PAANO MALALAMAN

300 4 0
                                    


Paano malalamang malungkot ang tao?
Kapag siya ay ngumingiti at tumatawa,
Pero baliktad ito sa ipinapakita ng mata,
Kapag rin siya'y nagiging mas palatawa.

Mas malungkot ang taong nagpapasaya,
Mas malungkot ang taong palatawa,
Mas malungkot ang taong nangangamusta,
At ang taong may salita at gawa.

Sila'y nagpapatawa ng iba,
Ngunit hindi pinapatawa ang sarili.
Sila'y tumatawa sa biro ng iba,
Ngunit hindi natatawa sa biro ng sarili.

Gusto nilang sila'y maintindihan,
Pero hindi makagawa ng paraan.
Gusto nilang alisin ang bato
Na nakapatong sa kanilang puso.

Sila'y hirap pero pinipilit kayanin,
Sila'y pagod pero pinipilit kalabanin
Ang lahat ng problemang dumating,
At patuloy na darating.

Paano malalaman na sila'y malungkot?
Sila'y tanungin at kausapin,
Sila'y pakinggan at unawain,
Sila'y tulungan at pasayahin.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon