Darating din ang panahon na
Tayong lahat ay tatanda,
Manlalabo ang mga mata,
At balat ay kukulubot na.Darating din ang panahon na
Wala na tayong oras pa,
Mga gawain noon ay hindi na magagawa,
At mga kaibigan ay unti-unting mawawala.Kaya sana'y hanggat maaga pa,
Tayong lahat ay magsaya,
Damahin natin ng todo ang ligaya,
Dahil balang araw, hindi na ito madadama.Tayo ay magsisitanda,
Hindi tayo palaging bata,
Iba ang nararamdaman mong saya ngayon,
Sa magiging saya mo pagdating ng panahon.

BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PoesíaFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.