GIYERA

613 8 0
                                        


Nakatulala sa kawalan,
Sa madilim na kalangitan,
Sa mga bituing nag-aawitan,
At sa buwang malayo sa 'ming tahanan.

Iniisip, iniintindi.
Mga salitang nakakarindi,
Mga sakit na napakatindi.
Ngayon, ako'y humihikbi.

Makalipas ang ilang oras,
Enerhiya'y kumupas.

Pagod na ang aking utak,
Kakaisip sa bawat sabak,
At sa bawat tabak,
Sa giyerang aking sinasabak.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon