PANLILIGAW

1.6K 13 0
                                        


Mga salitang matalinghaga,
Mga mabulaklak na salita,
Mga pagsuyong walang sawa,
At pagmamahal na aking pinapadama.

Kulang pa ba iyan
Para mapaibig kita?
Lahat ay gagawan ng paraan,
Upang mapasaakin ka.

Sana naman ako'y mapansin.
Sana'y ako'y kausapin,
Sana'y ako'y tanggapin,
Sana'y hindi na ako malasin.

Mahal kita,
Hindi mo lang alam.
Mahal kita,
Ayun ang nais kong iparamdam.

100 Tula ng Puso Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon