KAYA PALA

863 17 0
                                        


Parang kahapon lang,
Sinabi mong mahal mo ako.
Parang kahapon lang,
Sinabi mong wala na tayo.

Nakalipas lang ang isang buwan,
May iba ka ng napupusuan.

Ngayon, alam ko na ang kasagutan,
Sa mga tanong sa 'king isipan.

Kaya pala hindi mo na 'ko hinahanap,
Dahil may iba ka na palang nahagilap.

Kaya pala hindi mo na hinihiling,
Na tayo'y magka-usap muli...

May iba ka na palang gusto,
At ako ay parang basurang itinapon mo.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon