DAGAT

448 9 0
                                    


Itapon mo sa dagat,
Ang lahat ng iyong problema.
Itapon mo sa dagat,
Ang lahat ng sakit na iyong nadama.

Hayaan mong alunin ito,
Hanggang sa hindi mo na matanaw
Ang lahat ng mga 'to,
Ang parang malabo ay gawing malinaw.

Matapos iyon ay magiging ayos ka na.
Matapos iyon ay magiging okay ka na.
Basta't ikaw ay magtiwala,
Matatapos din ang lahat, ika'y maniwala.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon