HANGGANG KAILAN

270 6 0
                                        


Hindi ko alam,
Kung hanggang kailan kita mamahalin.
Hindi ko rin kasi alam,
Kung hanggang kailan ako magtitiis.

Ilang araw pa ba ang hihintayin?
Ilang gabi pa ba ang padadaanin?
Ilang linggo pa ba ang palalagpasin?
Ilang buwan pa ba ang palilipasin?

Nais ko nang makalaya,
Mula sa naka-kandadong kadena
Na iyong nilikha
Upang makulong tayong dalawa.

Darating din siguro,
Ang araw na ako'y makakatakas,
Makakalaya mula rito,
At walang lungkot sa 'kin ay babakas.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon