BAKIT

608 9 0
                                    


Bakit parang 'di nasisiyahan
Sa mundong aking ginagalawan?

Bakit parang kulang na kulang ako
At 'di na dama ang tunay na saya sa mundo?

Bakit parang ubos na 'ko?
Bakit parang laging pagod ang katawan ko?

Bakit parang nag-iisa ako
At parang hindi na 'ko nakukuntento?

Bakit parang wala nang kakulay-kulay
Ang aking natatanging buhay?

Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Parang 'di ko na madama ang puso ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko?
'Di na alam kung saan magiging masaya ako.

Bakit?

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon