BLANKONG PAPEL

416 3 0
                                    


Papel na blanko,
Kabadong puso,
Isipang nagugulo,
Matang nakatingin sa malayo.

Hindi makakuha ng sagot,
Saang dako man tumingin,
Baka ako'y malagot,
Umiigting ang damdamin.

Kung ito'y malaman mo,
Sana'y okay lang sa 'yo.
Kung ito'y iyong gusto,
Masaya sana tayo.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon