DAMIT

238 3 0
                                    


Luha'y nagsipatak,
Sanhi nitong aking hawak.
Pinapanatili pa ring mahalimuyak,
Tulad ng pabango mong tiyak.

Wala ka man sa aking piling,
Hindi man natupad ang hiling,
Mananatili akong gising
Sa katotohanan, ako'y napapailing.

Salamat nga pala sa damit.
'Di ko man masuot ulit,
Hindi ito dahil sa galit.
Kundi dahil sa sakit at pait.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon