Lahat ay mayroong katapusan,
Kung may bagay kang gustong wakasan
Upang madama mo ulit ang kasiyahan,
Ito'y gawan na ng paraan,
Umalis kung kinakailangang lumisan.
Huwag kang matatakot
Sa iyong paglaban.
Dahil ang mga sagot
Sa 'yong katanungan,
Ay iyo ding malalaman.
Pakawalan ang dapat pakawalan,
Iwanan ang dapat iwanan,
Umiwas sa dapat iwasan,
Magpahinga kung kinakailangan,
Hindi pa dito nagtatapos ang laban.
BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PoezjaFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.
