ITATAGO NALANG

267 4 2
                                    


Minsan mas okay pa
Ang hindi magsalita.
Mas okay ng mag-isip sila,
Kesa ika'y hindi maintindihan nila.

Minsan mas okay pa
Ang manahimik lang,
Dahil kahit ika'y magsalita,
Hindi mawawala ang husga.

Kahit magsabi ka
Kung ano ang 'yong saloobin,
Hindi ka makakayanang intindihin.
Kaya mas pinipili mo nalang 'tong dalhin.

Nauuna kasi ang galit,
Kaya hindi ka maunawaan,
Nauuna kasi ang galit,
Kaya ika'y hindi napakikinggan.

Hindi ka bibigyan ng pagkakataon
Upang makapagsalita,
Hindi papakinggan ang iyong rason,
At patuloy sila sa pagsisita.

Bakit ba ganyan kayo?
Bakit hindi magbigay ng pagkakataon
Upang magsabi sa inyo
Ng mga problemang ayaw niyo?

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon