AKALA KO LANG PALA

361 3 5
                                        


Nang ika'y mawala,
Akala ko'y 'di ko kaya.
Pero ako'y nagkamali pala,
Dahil kaya kong lumaban pa.

Kaya ko naman mabuhay pa
Kahit ikaw ay wala na.
Kahit ika'y aking naaalala,
Patuloy pa rin ako sa paghinga.

Mga bagay na dati'y pinaniniwalaan,
Ngayo'y akin na lamang pinagtatawanan.
Ang mga bagay na dating inaakala
Ay mananatili na lamang maling akala.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon