Ang lapis ay ginagamit
Sa pagsusulat ng istorya ng sarili.
Ang pambura ay ginagamit
Sa pagbabago ng pagkakamali.Sa iyong pagsulat,
Kasabay ng iyong pagmulat
Sa mundong iyong ginagalawan,
Sana'y ikaw ay mapagkatiwalaan.Huwag sanang abusuhin,
Ang pagkakataong magbago,
Buhay mo'y sulitin,
Maging inspirasyon sa mga tao.

BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PuisiFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.