"SINO 'YON? Girlfriend mo?" malamig na tanong ni Mael—ang ama ni Kevin—matapos kuhanin ang lumang cellphone. Sixty years old na ito pero malakas pa rin. Nakakasama pa rin sa pagbubunot ng punla at pagtatanim sa bukid. Iyon ang binagsakan ng ama ng hindi nito tapusin ang high school. Sumama na ito sa mga nagtatanim sa bukid at nakilala ang ina niyang si Miranda. Bata nagasawa ang mga ito. Sa edad na seventeen ay naipanganak ang kuya Oscar niya na sa ngayon ay mayroon na ring asawa at kapareho nito ng trabaho.
Sampu silang magkakapatid. Panglima si Kevin. Ang apat na nakatatandang kapatid ay nagsipagasawa na pagkatapos ng high school. Ayaw ni Kevin na maranasan ang ganoon. Ayaw niya iyong ipamana sa mga kapatid at magiging pamilya. Natutuwa ang mga magulang niya sa nakikitang dedikasyon at pangarap kaya ang ama na niya mismo ang nakiusap sa tito Manuel na pagaralin siya. Ang kwento ng tatay ni Kevin, masipag sa pagaaral si Manuel kaya ito ang mayroong narating sa kanilang sampung magkakapatid.
At bilang ganti sa kabutihan nito ay pinaghuhusayan ni Kevin ang pagaaral. Kahit ayaw din siyang pagtrabahuhin sa bahay nila Jessica dahil hindi naman daw siya 'boy' doon ay nagkukusa pa rin siya bilang pagtanaw ng utang na loob. Lihim din siyang nangako sa sarili na babawi kapag nakaluwag na.
"Hindi, ho." tipid niyang sagot at inayos na ang mga gamit sa bag.
"Akala ko, may girlfriend ka na. Mabuti naman kung wala. Nakita mo naman ang nangyari sa mga kapatid mo. Nagsimula sa ganyan ang lahat hanggang sa maagang nagsipagasawa. Siguro naman, hindi ka tutulad sa kanila." malamig nitong pagpapaalala.
"Opo, 'tay. Alam ko po 'yon." simpleng sagot niya para hindi na humaba pa ang usapan. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang pagtawag ni Silver. Simangot na simangot ito noong iabot sa kanya ang cellphone.
"Mabuti naman. Nakakahiya rin sa tiyuhin mo kung malalaman nilang nawawalan ka na ng focus. Graduating ka na. Baka maunsyami pa 'yan dahil sa babae," sermon nito.
Nasaktan si Kevin sa narinig. Pakiramdam niya ay hindi nito nakikita ang hirap niya para sabihin nito iyon. Parang ang baba ng tingin nito sa kakayahan niyang mag-kontrol. Gayunman, hinabaan na lang niya ang pasensya. Huminga siya ng malalim at hinarap ang ama.
"Hindi ho ako nawawalan ng focus. Magkaibigan lang po kami ni Silver," sagot niya at pumasok na sa maliit na kuwarto nilang magkakapatid. Nahiga na siya at napahinga ng malalim. Si Silver ang laman ng isip niya—ang isa sa mga inspirasyon niya...
Binunot niya ang wallet sa bulsa at kinuha ang maliit na litrato nito. Naka-suot ito ng jersey. Nakapamaywang. Mayroong towel sa balikat. Palihim niya itong kinuhanan gamit ang cellphone ni Shane habang nanonood ito ng practice game noon sa gym. Humingi siya ng pabor dito at ang kapalit noon ay pagpapahiram ng libro. Kaya nga siya nakita ni Silver noon. Tuwang-tuwa si Shane dahil hindi na nito kailangan pang bumili ng libro. May camera kasi ang cellphone nito. Iyon daw ang katas ng pagiging working student nito sa canteen.
Napangiti si Kevin sa naalala. Uminit ang puso niya habang nakatitig sa maganda at makulit na si Silver. Ah, she was his light on his dark days. She was his hope when he was in despair. Her smiles were likes his vitamins. It makes him strong when he was about to give up.
Sa tuwing pagod siya sa klase, makita at marinig lang niya ang kakulitan nito ay nawala iyon. Kapag nakikita niya itong ganado sa paglalaro kahit pagod na, na-i-inspire siya. Ang mga nakikita ni Kevin kay Silver ay madalas makapagpaalala na kahit nakakapagod na, laban lang. Kapit lang. The victory was always in their hands at the end of the day.
Kung malalaman lang ni Silver na unang kita pa lang niya rito noon ay nagustuhan na niya ito, matatawa ito sa kanya. The very first time he saw her smile, he instantly liked her. As the days goes by, he kept on liking her. Until now, that feeling deepens...
It was hard not to like a funny girl like her. Mahirap na hindi ito mapansin. Bukod sa kasing cute ito ni Park Shin Hye—ang heroine sa Doctor Crush na isang Korean drama na minsan na niyang napanood dahil pinanonood noon ni Jessica—, loving at caring pa ito. Sino'ng lalaki ang hindi mangangarap na mapansin ng isang babaeng kagaya nito?
Sa department nila, marami ang nagkakagusto rito. Gayunman, marami ring nahihiya dahil nagaalangan sila kay Silver. Hindi lang dahil sa cute ito kundi dahil na rin sa nakaka-intimidate. Napakahusay nitong libero kaya karamihan ng lalaki ay nanliliit dito.
Isa si Kevin sa mga lalaking iyon. Natotorpe siya kaya madalas ay pasulyap-sulyap na lang siya. May mga panahong hindi na rin niya mapigil ang sarili. Lagi niya itong pinakikiramdaman at sa tuwing lalabas na sa compound nila ay labas na rin siya. Magpapanggap na mayroong gagawin sa library kahit ang totoo ay wala naman. Gusto lang kasi niya itong makasabay.
At gusto rin niyang kumuha ng tyempo para magtapat. Gayunman, dahil sa personality nito ay dinadaga siya. Nauunahan siya lagi ng mga panghaharot nito. Minsan ay maduduwag siya dahil maalala ang mga priorities. Dahil doon, sa huli ay pinipigilan niya ang sarili.
Ayaw niyang magaya sa mga kapatid. Ayaw din niyang ma-disappoint ang mga magulang at tiyuhin. Ayaw niyang magkamali. Ang ibinigay na oportunidad sa kanya ni Tito Manuel ay hindi niya dapat sayangin. Wala siyang mukhang maihaharap kung masisira siya dahil na-in love siya kay Silver. Ang mga bagay na iyon ang pumipigil kay Kevin.
"Kuya, sino 'yan?" bulong ni Buknoy—ang bunso niyang kapatid. Nasa edad pito ito. Mukhang nagising dahil gumalaw siya.
Agad niyang inilagay sa bibig ang kanang hintuturo para huwag nitong lakasan ang boses. "Maganda ba?" tanong niya.
"Ang ganda ng legs!" inosenteng puri ni Buknoy.
Mahina siyang natawa at ginulo ang buhok nito. Buknoy was right. Isa sa mga hinahangaan niya kay Silver ay ang legs nitong nakakasilaw. Hindi man kasing haba ang biyas nito sa mga kasamahan ay iyon naman ang nagliligtas sa karamihang bola ng grupo.
"Girlfriend mo?" tanong nito.
"Hindi. Kaibigan ko." aniya at napangiti habang nakatitig sa picture. Oh how he wished she was his girl. Nakaka-proud. Sobrang saya nga niya na pinagtutuunan siya nito ng atensyon pero nakakalungkot din dahil hindi man lang niya iyon magawang tugunan. He needed to control his feelings. Marami siyang kailangang unahin kaysa sa damdamin kay Silver.
"Bakit may picture ka?" inosente nitong tanong.
"Pangpawala ito ng pagod." nakangiti niyang sagot.
Tumango ito. "Dapat maging girlfried mo siya para hindi mo na siya titingnan sa picture. Harapan mo na siyang makikita." inosenteng payo nito.
Muli, ginulo niya ang buhok nito at pinatulog. Siya naman ay itinago na ang litrato ni Silver at napahinga ng malalim. Ah, sayang. Hindi niya magagawa ang payo ng kapatid.
Dahil marami siyang kailangang unahin kaysa sa nararamdaman ng puso...
BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
RomanceTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...