CHAPTER 15

719 23 2
                                    

"We'll be having an emergency meeting this afternoon. See you at the gym." basa ni Silver sa simpleng message ni Coach Achilles. Napaisip si Silver kung bakit sila ipinatawag pero sa huli ay minabuti niyang magpunta na lang sa university.

Tulog pa ang mga magulang ni Silver kaya nagiwan na lang siya ng note sa ref. Hindi rin niya nakalimutang sabihing didiretso siya sa mall. Balak niyang bilhan ng regalo si Kevin. Kinabukasan na ang graduation nito. Since corporate world ang papasukin ni Kevin, naisipan niyang regaluha ito ng necktie. Gusto niya ay siya mismo ang unang bibili ng necktie na gagamitin nito sa first job nito.

Lumabas na si Silver. Hindi na niya nasabihan si Kevin dahil wala ito. Nagpaalam itong susunduin ang mga magulang sa terminal.

Nagpunta na siya sa university. Saktong pagdating doon ay kumpleto na sila. Agad nag-announce si Coach Achilles. Kasama nito si Vicencio. Tahimik itong nakaupo sa tabi nito. Magkakaroon daw ng Philippines Volleyball Cup na gaganapin sa Manila next week at naimbitahan sila. Dalawang linggo sila sa Manila para sa game. Kung mapapaaga ang kanilang pagkatalo ay maaga rin silang mapapauwi.

Naghiyawan sila sa saya. She was so excited. Pangarap niya iyon. Nalulula siya sa suwerteng dumarating. Kinabukasan ang puspusang training nila. Agad silang nagsiayunan. Hindi naman nabahala si Silver dahil after lunch ang graduation nila Kevin. Pagkatapos ng training ay makakapunta siya sa graduation nito.

Saglit pa silang nagusap hanggang sa idinismiss na sila ni coach Achilles. Hindi nagtagal ay nagpunta na sa mall si Silver at bumili ng necktie. Pinabalot niya iyon at umuwi na.

Pagdating sa bahay ay nadatnan niya si Jessica sa labas. "Hi! Si Kevin?" nakangiti niyang tanong.

"Ipinasyal niya sina tita." nakangiting balita ni Jessica.

"Ganoon ba? Pakisabi na lang na puntahan niya ako pagdating niya. May ibabalita ako." excited niyang saad.

Agad tumango si Jessica. "Sige! Sasabihin ko. Huwag sana silang gabihin. Naku. Nagbigay pa naman ng budget si dad sa kanila. Kumain daw sila sa labas at manood ng sine. Sana lang ay maaga silang umuwi."

Tumango na si Silver. Wala namang problema dahil excited din naman siya para sa magaanak. Natutuwa siyang makapag-celebrate ang mga magulang ni Kevin.

Umuwi na si Silver hanggang sa hindi na niya nahintay si Kevin. Nakatulog siya dahil sa pagod. Kinabukasan, medyo late siyang nagising. Dali-dali siyang nagpunta sa practice. Hindi na talaga sila nagkita ni Kevin.

Matapos ang puspusang practice ay nagkaroon pa sila ng meeting. Nag-discuss pa si coach Achilles sa mga strategic plans nito para sa darating na liga. Lunch time na ng umuwi na siya. Hindi na naman sila nagpangabot nila Kevin dahil maagang umalis ang maganak. Tinawagan niya si Jessica at ibinalita nitong nag-lunch out sila. Sinabihan na lang siyang magkita sila sa auditorium.

Paspas sa pagligo si Silver. Sinigurado niyang presentable siya. Simpleng floral dress ang isinuot niya at flat sandals. Hindi rin niya nakalimutang ilagay sa bag ang maliit na regalo para kay Kevin. Eksaktong two thirty ay umalis na siya.

Pagdating sa auditorium ay sinalubong siya ni Jessica. "Nasa loob na sila. Parents lang ang puwedeng pumasok. Dito na lang tayo. Naku! Kagabi pa excited si Kevin. Panay ang banggit sa'yo kina tita!" kinikilig na saad ni Jessica.

"Kaya nga. Mukhang in love na in love talaga sa'yo si Kevin." nakangiting saad ni Manuel.

Naginit ang pisngi ni Silver. Natawa ang mommy ni Jessica. "Bagay na bagay kayo. Nasisiguro kong magugustuhan ka nila."

Kinabahan si Silver. Parang hindi tuloy siya makahinga. Napuno ng antisipasyon ang dibdib. Buong oras ng graduation ay ganoon siya. Makalipas ang two hours, doon na nagtapos ang ceremony. Agad siyang nilapitan ni Kevin. Inakbayan siya at iniharap sa dalawang matandang kasama nito. Pansin ni Silver na hawig ni Kevin ang ina at naman nito ang height sa ama. Matangkad din ang matanda na sa tingin ni Silver ay nasa anim na talampakan.

"'Nay, 'Tay, girlfriend ko ho. Si Silverstein." pigil hiningang pakilala ni Kevin.

Agad nagmano si Silver sa mga matatanda. Tahimik nilang tinanggap ang pagmamano niya. Bigla siyang nailang sa pananahimik nila. Feeling tuloy niya ay hindi siya gusto ng mga ito.

"M-Magandang hapon po." magalang niyang saad.

"Let's celebrate!" announce ni Manuel at nagsitalima sila. Napahawak siya sa kamay ni Kevin para kumuha ng lakas ng loob. Parang humihina ang loob niya dahil sa nakikitang coldness ng mga magulang ni Kevin.

"Congrats." bulong niya.

"Ang lamig ng kamay mo." puna nito.

"Kinakabahan ako." amin niya at napatingin sa mga magulang ni Kevin na pasimpleng nagbubulungan. Dalawang hakbang ang layo nila kaya hindi niya marinig ang sinasabi nila.

"Pasensya ka na, ha? Ganyan lang sina tatay. Nabigla dahil may girlfriend na ako. Pero hayaan mo. Paliliwanagan ko sila." pangako nito.

Tumango na si Silver at nakuntento. Sa isang mamahaling restaurant sila nagpunta at agad nag-order. Masaya silang nagsalo sa masaganang hapunan.

"Sandali, ha. CR lang ako." paalam ni Silver kay Kevin. Agad naman itong tumango. Nagpunta na siya sa CR at nanubig. Pagkatapos ay lumabas din siya. Nagulat siya nang makitang nandoon din ang nanay ni Kevin.

"Hello po. Magsi-CR din po kayo?" magalang na tanong ni Silver.

Umiling ito. "Gusto sana kitang makausap ng sarilinan."

Kinabahan na naman si Silver. "A-Ano pong gusto niyong sabihin?" pigil hiningang tanong niya.

Seryoso siyang tinitigan ng matanda. "Pasensya ka na sa sasabihin ko pero sana ay maintindihan mo. Si Kevin, siya na lang ang pagasa namin. Sa mga kapatid niya, siya lang ang may narating. Pero ngayong may girlfriend na siya, kinakabahan kami ng tatay niya. Baka magaya siya sa mga kapatid niya. Paano na ang mga kapatid niyang nagsisipagaral pa kapag bigla niyang naisipang magasawa? Kailangan namin siya, Silver..."

Nanuyo ang lalamunan ni Silver sa mga narinig na dahilan ng matanda. "P-Pero mahal po kayong lahat ni Kevin. Kayo ang inspiration niya kaya siya nagpursige. Hindi ho mangyayari ang kinatatakutan ninyo. H-Hindi naman po kami magaasawa agad. May mga plano rin naman po ako at—"

"O, iyon naman pala. May mga plano ka pa. Ilang taon ka na ba?" agad nitong putol. Mukhang hindi na rin nagugustuhan ang pagsagot niya dahil nakasimangot na ito.

Napayuko si Silver. Bigla siyang nanliliit tuloy ngayon. "N-Nineteen po,"

"Bata ka pa. Marami pang mangyayari. Si Kevin, aalis siya. Sa Manila siya magtatrabaho. Marami siyang makikilala roon. Marami ka ring makikilala rito. Paano kung maisip ninyo na hindi pala ninyo mahal ang isa't isa? Ngayon pa lang, itigil na ninyo ito para hindi na kayo parehong masaktan." giit ng matanda.

Nagrebelde ang kalooban ni Silver. Napaka-advance ng mga narinig niya pero sa totoo lang ay naghatid iyon ng takot sa kanya. May punto ito. Malaki ang mundo. Magkakalayo sila ni Kevin. Sa pogi nito at character, imposibleng hindi ito magustuhan ng mga babaeng malayo na ang narating.

Nahigit ni Silver ang hininga nang hawakan ng matanda ang mga kamay niya. "Nakikiusap ako. Huwag niyo munang seryosohin ito. Ang tatay ni Kevin sana ang kakausap sa'yo pero inawat ko. Ibang magsalita ang tatay ni Kevin. Mapapahiya ka lang. Kaya bago ka pa niya kausapin, ako na ang nakikiusap sa'yo. Hiwalayan mo na lang si Kevin. Para ito sa ikabubuti nating lahat." giit nito. Mayroong halong utos iyon.

Nagtiim ang bagang ni Silver. Wasak na wasak ang kalooban niya. Hirap siyang i-absorb iyon kaya inabot pa siya ng ilang minuto bago nakalabas. Tahimik lang siya sa upuan. Nagiisip. Nasasaktan. Durog na durog ang kalooban.

"Bakit?" tanong ni Kevin.

"Wala." malamig niyang sagot at napahawak sa ulo. Bigla siyang namoroblema ngayon. Gusto niyang sabihin iyon kay Kevin pero ayaw din naman niyang makipagaway ito sa mga magulang. Celebration day nito iyon. Ayaw din naman niyang sirain iyon.

"Masakit ang ulo mo? Ihahatid na kita." alalang saad nito.

"A-Ako na lang. Napagod ako sa practice namin. Uuwi na lang ako at itutulog ito." pagdadahilan niya.

"Sigurado ka?" worried nitong tanong.

Tumango siya at nagpaalam na sa mga kasama nila sa mesa. Agad na niyang nilisan ang lugar. Paguwi ay naiyak si Silver. Napahawak siya sa regalo na sa tingin niya ay hindi na niya maibibigay.

Paano pa niya iyon maibibigay kung nagdadalawang isip na siya? Pagkatapos pagsabihan ng ina ni Kevin ay nanlulumo na siya...

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon