CHAPTER 2

934 35 0
                                    

"Tara muna sa canteen. Gutom na ako," aya ni Heaven kay Silver matapos silang maghilamos. Katatapos lang nila mag-practice. Gutom na rin siya kaya hindi na niya natanggihan ang kaibigan.

Sa buong Guevarra Vixen team, si Heaven ang pinakamalapit kay Silver. Una ay dahil walang makatagal sa ugali nito. Suplada at matalino ito. Consistent dean's lister. She always says what's on her mind. Brutally frank. Madalas napapahiya ang ilang ka-team nila sa pagiging prangka nito.

But Silver could easily handle Heaven. Kapag nagtaray na ito at nagsuplada, tawa lang ang sagot niya. Hindi siya madaling ma-offend o magdamdam sa mga maliliit na bagay. Dahil doon ay naging solid ang samahan nila.

"Okay. Let's go?" aniya at lumabas na. Sila na lang naiwanan sa lockerroom dahil nagsipasukan na ang iba nilang ka-team. Sina Silver at Heaven ay alas nuwebe pa ang pasok. Mayroon pa silang isang oras para kumain.

Pagdating sa canteen ay agad na silang nag-order. Spaghetti, diet Coke at dalawang sandwich ang order ni Silver samantalang tapsilog kay Heaven. Magana silang kumakain nang makita ni Silver si Kevin papasok sa canteen.

Agad bumilis ang tibok ng puso ni Silver. Bigla siyang na-excite. Para siyang engot din. Kasabay lang niya itong pumasok kaninang umaga dahil kinulit niyang sumabay dito ay hayun pa rin siya. Kung ma-excite ay parang ang tagal nilang hindi nagkita.

"Kevin! Kevin! Dito!" tawag pansin ni Silver at kumaway. Lumingon naman ang lalaki hanggang sa nakita siya. Tumayo na si Silver at sinalubong ito. Aba! Hindi niya ito hahayaang makawala!

"Hi!" bati ni Silver. Abot hanggang tainga ang ngiti. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa pagkakalapit nila ni Kevin.

"Hi." tipid na bati nito at luminga.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Silver. Hinawakan na niya ang kamay ni Kevin at hinila. Lihim siyang napasinghap ng maramdaman ang may katigasang palad nito. Hindi na rin naman siya magtataka. Hindi buhay senyorito si Kevin sa bahay nila Jessica. Tumutulong ito sa mga gawaing bahay. Kahit ano'ng pigil dito nila Jessica raw ay hindi ito maawat. At alam ni Silver na ganoon ang way ni Kevin para tumanaw ng utang na loob.

And she really, really admired that. Parang nai-imagine na niya na kapag si Kevin ang nakatuluyan niya ay ang suwerte niya. Napakasipag nito. Siguradong kaya siyang buhayin.

Kilig na kilig si Silver sa naisip. Muntik pa siyang mapabungisngis dahil sa isiping iyon. Lumalayo na ang imagination niya para sa kanila ni Kevin. Kung maririnig lang nito ang iniisip niya ay siguradong maloloka ito.

"Sumabay ka na sa amin ni Heaven." aniya at dinala na ito sa mesa nila. Pinaghila pa niya ito ng monoblock para maupuan. Tabi sila. Ah, parang nasa langit agad siya sa sobrang saya.

"Hindi naman ako kakain," seryosong sagot ni Kevin.

Natigilan si Silver pero muling ngumiti pa rin. "Ganoon ba? Ano'ng ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing..." binitin niya ang sasabihin saka nagpa-cute. Isinuksok niya ang ilang buhok sa kaliwang tainga saka ngumiti ng matamis kay Kevin. "Ako ang pinuntahan mo rito?"

Muntik nang mabulunan si Heaven. Nagkadaubo-ubo ito sa moves niya. Agad na itong uminom ng tubig para mahimasmasan. Pero hindi nagpaapekto si Silver. Naghintay siya sa sasabihin ni Kevin.

"Hinahanap ko si Shane. Ibibigay ko ang librong hinihiram niya. Sige. May pasok pa ako." magalang nitong paalam saka tipid na ngumiti. Tumayo na ito at nagpunta sa counter. Doon lumabas si Shane—ang kaklase ni Kevin—na naamoy ni Silver na mayroong crush dito.

Parang nagdidilim ang paningin ni Silver nang makitang kilig na kilig si Shane. Si Kevin ay serious pa rin naman. Matapos iabot ang libro ay tinanguan na nito si Shane saka umalis. Si Silver naman ay hindi makakain sa inis.

"Nagseselos ka naman agad?" masungit na tanong ni Heaven.

"Nakita mo ang ngiti ni Shane? Nakakainis." angil niya. Kukot na kukot ang kalooban sa nalamang si Shane ang pinuntahan ni Kevin! Argh!

"OA mo. Humiram lang ng libro iyong tao, selos na selos ka. Pagseselosan mo pa iyon eh mukhang pug 'yun? Tingin mo ay papatulan ni Kevin iyon?" namamanghang saad ni Heaven.

Napalabi si Silver. Selos na selos pa rin. "Love is blind. Kahit mukhang pitbull si Shane, kung nagustuhan siya ni Kevin, wala akong magagawa roon."

Napabuntong hininga si Heaven at napailing. "Hay. Ewan ko sa'yo." anito.

Hindi na kumibo si Silver. Tinapos na lang niya ang pagkain. Hindi nagtagal ay pumasok na rin sila ni Heaven. Buong maghapon ay si Kevin ang iniisip ni Silver hanggang maguwian.

Pagdating sa bahay ay hindi mapakali si Silver. Lumabas siya at hinintay na dumating si Kevin. Agad niya itong tinawag nang makita itong naglalakad pauwi.

"Bakit?" tanong nito.

Bigla siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung paano tatanungin si Kevin tungkol kay Shane. Bigla siyang nagalangan dahil ayaw niya itong mainis.

"W-Wala. Sige na." aniya at tumalikod na.

"Ano 'yon?"

Napasinghap si Silver nang hawakan ni Kevin ang kamay niya. Biglang nakaramdam ng init si Silver. It seems that his warm hands touches her soul too.

"Sabihin mo na. Alam kong may sasabihin ka." seryoso nitong saad. Kita niyang hindi rin ito mapalagay dahil hindi niya nagawang magsalita.

Nagalangan pa rin si Silver pero sa huli ay pinili niyang magsalita para matigil na ang nararamdaman niyang iyon. Huminga ng malalim si Silver bago nagsalita. "B-Bukas na iyong practice match. Manonood ka, ha? Alas singko naman ng hapon 'yon."

Tumango ito. "Oo. Wala na akong pasok noon."

"S-Si Shane. K-Kaano- ano mo siya?" pigil hiningang tanong ni Silver. Parang sasabog na ang puso niya kakahintay ng sagot ni Kevin.

Napamulagat si Kevin hanggang sa biglang natawa. Napamaang si Silver. First time! Ngayon lang niya ito napatawa! Ang pogi-pogi nito! Jung Il Woo na Jung Il Woo ang dating! Ang sarap nitong kurutin sa pisngi!

"Sira ka talaga. Pumasok ka na nga." tatawa-tawang saad nito at hinatid na siya sa gate.

"Pero—"

"Kaibigan ko si Shane. Nawala ang libro niya at hiniram niya 'yong libro ko para makapagpa-photocopy ng assignment namin. Iyon lang iyon." paliwanag nito. Nasa mga mata ang pagkaaliw at pagka-amaze.

"Ah." simpleng sagot ni Silver. Kinikilig na talaga siya deep inside. Natutuwa siyang nagpaliwanag talaga si Kevin. Kung tutuusin ay puwede naman nitong hindi sagutin iyon. Pero dahil mabait ito at hindi marunong manghiya, pinaliwanagan siya. Kita naman niyang totoo ang sinasabi nito dahil sincere ito.

"Sige na." anito.

Pumasok na si Silver. Kuntentong-kuntento sa narinig. Doon na-realized ni Silver na ganoon pala iyon. Isang salita lang ni Kevin, okay na siya. Palibhasa ay nirerespeto at buo ang tiwala niya sa lalaki.

Kilig na kilig tuloy si Silver sa nalaman.

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon