CHAPTER 12

635 23 0
                                    

"Congrats! Pasok kayo sa championship!" tuwang bati ni Jessica kay Silver matapos ang laro nila against Victoria Superstars na mula pa sa Victoria Colleges. Isa sa mga magagaling na team ito na maraming beses na rin silang tinalo. Gayunman, dahil sa teamwork at enhanced skills ay sila ang nanalo ngayon.

Ngiting-ngiti naman si Kevin. He looked proud. Inabutan siya nito ng Gatorade. Napahagikgik sa kilig si Silver. Kinuha niya iyon. Wala siyang balak na inumin ang Gatorade. Mas gusto niya iyong titigan!

Tuluyang nahulog ang loob niya kay Kevin. Consistent kasi ito sa pagiging sweet at ang maganda ay nagiging inspiration nila ang isa't isa. Ang feelings nila sa isa't isa ay nagbibigay motivation para husayan sa kani-kanilang larangan.

"Salamat talaga." nakangiting saad niya sa mag-pinsan. Wala ang mga magulang ni Silver dahil mayroong kani-kanilang ensayo ang mga ito para sa kani-kanilang bar.

"Malapit na rin ang final exam. Pagkatapos ng championship ninyo ay doon naman tayo magco-concentrate." ani Kevin.

"Tayo?" pigil hiningang tanong ni Silver.

"Yes. Tayo." nakangiting kumpirma ni Kevin.

Natunaw ang puso niya. Ah, she really loves his idea! First time iyon ulit! Noon kasi ay lagi itong nagkukulong sa kuwarto para mag-review kaya sila na lang ni Jessica ang kalimitang magkasama. Nahihiya naman siyang guluhin ito. Sa puntong iyon ay ayaw ni Silver na istorbohin si Kevin. Kahit makulit siya ay inilalagay naman niya iyon sa lugar.

"Kasama ba ako?" kinikilig na singit ni Jessica.

"Oo naman." sagot ni Silver.

Napangisi si Jessica. "Huwag na lang. Makakaistorbo lang ako." tudyo nito.

Natawa tuloy sila Silver. "Kasama ka. Okay?"

Nagkangitian silang tatlo. Hindi nagtagal ay nagaya na si Kevin. Sa parking lot sila nagpunta at sumakay sa kotse ni Jessica. Hindi na siya sumabay sa service dahil kasama naman na niya ang mga kaibigan.

Umuwi na sila. Pagpasok ni Silver ay napahinga siya ng malalim at napatingin sa hawak na Gatorade. Hinalikan niya iyon! Napabungisngis siya sa ginawa. Kilig na kilig kasi! Pati Gatorade ay napagdiskitahan.

Nagbihis na si Silver. Pagbaba ay narinig niyang tumawag si Kevin. Biglang kumabog ang dibdib niya at dali-daling binuksan ang pinto. Napangiti siya nang makitang hawak ni Kevin ang isang mangkok ng adobo.

"Dinalhan kita ng ulam." anito.

Humalukipkip si Silver at sumandal sa hamba ng pinto. Nakangising tinitigan ni Silver si Kevin. "Love na love mo talaga ako, ano?"

Mahina itong natawa. "Ikaw talaga. Sige na. Kumain ka na."

Ngiting kinuha na niya ang mangkok at isinalin iyon. Pagbalik niya sa sala ay agad niyang ibinalik kay Kevin ang mangkok.

"Kevin! May tawag ka! Ang tatay mo nasa cellphone!" malakas na tawag ng ina ni Jessica.

Agad umalis si Kevin. Si Silver naman ay kumain na lang. Naisip niyang gustong mangumusta ng ama ni Kevin kaya napatawag. Maganang kumain na lang si Silver.

Patapos na siya nang dumating ulit si Kevin. Agad niya itong tinanong. "Kumusta na ang pamilya mo?"

"Okay naman daw sila. Tinatanong pala ni tatay kung kailan ako uuwi." paliwanag ni Kevin.

Napatango si Silver. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Tuwing semestral break kasi ay umuuwi si Kevin para makasama ang mga magulang. Umuuwi na lang ito kina Jessica kapag enrolment na.

"Ano'ng sabi mo?" tanong niya.

"Sinabi ko ang plano ko. Hindi na ako makakauwi pagkatapos ng graduation. Sa May kasi ang schedule ng board exam. Sakto lang pagkatapos ng graduation sa April. May ilang weeks pa ako para makapag-self review. Pagka-take ko ng board exam ay mag-a-apply agad ako ng trabaho sa Manila. Ayokong magsayang ng oras." anito.

Nabilid si Silver sa dedikasyon at direksyon ni Kevin. Ngiting hinawakan niya ang balikat nito. "Bibilis kang aangat kapag ganyan."

Masuyo siya nitong tinitigan. "Salamat. Kayo nila nanay ang inspirasyon ko. Sabi pala ni tatay, darating na lang sila bago graduation at tutulungan ako sa paglipat sa Manila. Ipapakilala kita. Kahit hindi pa tayo, gusto kong makilala nila ang babaeng nagugustuhan ko." matapat nitong saad.

Ano ba 'yan! Parang mamatay na sa sobrang kilig si Silver! She found it really, really romantic! Kahit wala pa silang pormal na usapan ay gusto na siya nitong ipakilala sa pamilya. And his words made her heart fluttered! 'Babaeng nagugustuhan' was the best words he said to her so far.

"Okay." pigil hiningang sagot ni Silver.

Nagulat siya ng yakapin ni Kevin nang mahigpit. Parang nakakita siya ng mga fireworks. Nagsikatahan ang mga anghel sa langit. Ganoon ang epekto nang yakap ni Kevin. She was shocked but loves it at the same time.

"Thank you!" grateful na saad ni Kevin.

Napangiti si Silver. She was happy that he made him that happy too.

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon