"Practice match!" anunsiyo ni coach Achilles at iginrupo sina Silver. Magkakasama sila nila Heaven at karamihang nasa opposite ay mga reserves. Everyone was working their ass off. Palapit na rin kasi nang palapit ang interschool competition.
Pero walang nararamdamang kaba si Silver. She was excited. She couldn't wait for that moment. Gusto niya kasing mapanood na siya ni Kevin na naglalaro sa interschool. Iyon ang unang pagkakataong sasabak siya. Pakiramdam ni Silver, bukod sa mga magulang at kay Jessica ay si Kevin ang pupuno talaga sa motivation niya.
Nagsimula na ang laro nila. Panay naman ang takbo si Silver. She chased down every ball she can to make their game alive. Tagaktak na siya ng pawis pero okay lang. Ang mahalaga ay ginampanan niya ang tungkulin.
"Silver!" sigaw ni Heaven.
Pagangat nang tingin ni Silver ay tumama ang bola sa mukha niya! Hindi niya naiwasan dahil huli na. Sakto pa naman iyon sa ilong niya. Napasigaw tuloy siya sa sakit at gulat! Mukhang isandaang porsyentong lakas ang ginamit pa ni Angie—ang reserved hitter nila—para paluin ang bola. Sa lakas ay nagdidilim tuloy ang paningin niya!
"Silver—!" alalang sigaw ni Kevin. Umalingawngaw ang boses nito sa buong gym!
Nagulat si Silver. Bago pa niya ito mahanap ng tingin ay agad na siyang dinaluhan ng mga kasama at nilapatan ng first aid. Nilagyan siya ng ice pack sa mukha para hindi makaramdam ng sakit.
"Silver! Okay ka lang?" alalang tanong ni Kevin.
Napakurap-kurap si Silver at hinanap ng tingin si Kevin. Nang makita niya itong nasa itaas ng grandstand sa tapat niya—at bakal lang ang pagitan nila—ay napamulagat si Silver!
"K-kevin!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Bigla yatang nawala ang pagdidilim ng paningin. Parang naging okay siya!
Hindi nagsalita si Kevin. Tinalon na nito ang pagitan nila at agad siyang sinuri. Natahimik ang mga kasamahan nila. Mukhang nabigla kay Kevin. Pati si Silver, nagulat din! Nakatulala siya rito!
At kinilig! Nang makahuma ay parang nagsikantahan na naman ang mga angels sa langit. Hallelujah to the highest level talaga! Ang makita si Kevin na nagaalala at concern ay matinding kilig hatid kay Silver!
"She's fine. Don't worry," basag ni Coach Achilles. Tila nagising ang buong grupo dahil sa pagsasalita ng matanda.
Agad silang naghiwalay ni Kevin. Namumula ang pisngi ni Silver sa kilig. Si Kevin naman ay namumula ang tainga! Mukhang biglang nahiya!
"Okay! Get back to work! Now!" anunsyo ni Coach Achilles at pumito. Agad na silang nagsipuntahan. Dahil naka-recover naman si Silver ay naglaro na rin siya. Ganadong-ganado kahit medyo kumikirot ang ilong!
Nag-focus ulit si Silver sa laro. May mga pagkakataong napapatingin siya kay Kevin na hindi na umakyat dahil naupo na lang ito sa tabi ng coach nila. May mga times na nakikita niyang naguusap ang mga ito at mukhang seryoso. Napapangiti na lang si Silver. Mukhang sinasabihan ng matanda si Kevin na huwag magalala dahil parte ng laro ang nararanasan niya.
Nakaraming set sila ng laro. Hindi nagtagal ay natapos din iyon. Saglit silang pinagpahinga at kinausap. Binilinang kinabukasan ay ganoon ulit ang schedule nila.
"Bakit ka nandito?" usisa ni Silver nang mapagisa sila ni Kevin.
"Nagtataka kasi ako kung bakit wala ka pa sa inyo. Bumalik ako at tiningnan kita rito."
Magkabilang tainga na ang ngiti ni Silver. Kinikilig siya sa pagiging honest ni Kevin. "Miss mo ako, ano?" lambing niya.
"Sira. Sige na. Magayos ka na para makauwi na tayo." anito. Namumula na naman ang tainga. Ah! Ang cute nito! Ang sarap pupugin ng kiss!

BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
RomanceTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...