CHAPTER 13

644 20 0
                                    

"Go Vixens!" malakas na hiyawan ng mga supporters nila Silver. Sa gym mismo ng athletic field ng Guevarra gaganapin ang championship ng volleyballs women's division. Hindi nakakaramdam ng kaba si Silver. Inspired siya dahil nasa mga manonood ang pamilya at si Kevin.

Bawat tira ni Heaven at mga kasamahang spikers ay hiyawan ang mga tao. Sa bawat pagtakbo at paghahabol ni Silver sa bola ay nagsisitilian sila. Lahat ay nae-excite sa mga kilos ng Vixens!

Hingal na hingal na sila pagdating ng matching point. Dikit ang laban dahil magaling din ang Cruz Sonics—ang kalabang team na galing sa Cruz Institute sa Cruz, Guevarra. Ito ang mahigpit na kalaban nila sa number 1 position.

"Isa lang! Kapit lang!" sigaw ni Persian para palakasin ang mga loob nila. Nagsitanguan sila at humanda. Bola ng Sonics. Isang puntos na lang. Kapag service ace ito ay sila ang panalo!

Tinira na ang bola. Agad iyong tinira ni Persian. Nagkamali ito ng tira kaya lumipad ang bola sa likuran. Agad iyong hinabol ni Silver at nai-save. Maganda ang pagkakahabol niya. Sakto para tirahin ni Heaven. Isang daang porsyentong lakas ang ginamit ni Heaven para paluin ang bola at hindi iyon nagawang tirahin ng kalaban!

They won! Nagsigawan ang mga tao. Naluha sila sa tagumpay na natamo. Nagyakapan sila at pinaggugulo ang mga buhok ni Heaven.

Hindi nagtagal ay nagsipagkamayan at batian ang dalawang team. Matapos ay ina-annonuce na kinabukasan sa mismong athletic field ang awarding. Na-excite silang lahat!

"Let's go! Nakapagpa-reserve na ako restaurant para magkaroon tayo ng salo-salo. You can bring your parents too." nakangiting saad ni Coach Achilles.

Naghiyawan ang buong grupo. Agad na nilang tinawag ang mga magulang at syempre, hindi puwedeng hindi niya isama sina Jessica at Kevin. Pumayag naman ang coach nila. Hindi nagtagal ay nagsipuntahan na sila sa Jecko's Resto at nagsikainan.

"Congrats, ha." bulong ni Kevin. Nasa kaliwa ni Silver ito samantalang nasa kanan ang mga magulang at si Jessica.

Nanayo ang balahibo sa katawan ni Silver dahil sa mainit na hininga ni Kevin na tumama sa tainga. Biglang nanikip ang dibdib niya sa pagkakalapit nila.

"Para sa'yo." anito at iniabot sa ilalam ng mesa ang maliit na regalo. Isang dangkal iyon at may kanipisan. Hindi pa niya nakikita ang laman ay kilig na siya!

"Salamat!" tuwang saad niya.

"Next day, start na tayo sa pagre-review, ha." anito.

Sumaludo si Silver. "Sure!"

Natawa si Kevin. Napahinga naman nang malalim si Silver. She was happy and blessed. Ah! Sasagutin na talaga niya ito oras na tanungin ni Kevin ang magic question na: mahal mo rin ba ako?

Sana ay tanungin na ni Kevin si Silver para tuluyang maging ganap at buo ang samahan nila.

Makalipas ang ilang oras ay nagsiuwian na rin sila. Agad pumasok si Silver sa sariling kuwarto at binuksan ang regalo ni Kevin. Impit siyang napatili ng makitang picture niya iyon! Stolen shot iyon sa gym habang nanonood siya ng practice game ng mga kasamahan. Nagpapahinga kasi siya noon at mayroon towel sa balikat.

Sa pagkakaalala niya ay kuha pa iyon two months ago! Biglang sumasal ang tibok ng puso ni Silver. Mukhang two months ago pa siya palihim na pinanonood ni Kevin!

Nahimatay ang puso niya sa kilig!

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon