CHAPTER 10

697 28 1
                                        

"May gusto ka bang kainin?" seryosong tanong ng ina ni Silver habang naghihintay sila ng tawag. Araw na ng check-up niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa waiting area para hintaying tawagin siya.

Tuluyang humupa na ang pamamaga ng paa ni Silver. Salamat sa mga gamot na inireseta. Hindi rin siya nagkikilos sa bahay. Dahil doon ay hindi naipuwersa ang paa niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Silver kay Kevin. Dahil sa pagaasikaso nito sa tuwing wala ang mga magulang, nakapagpahinga siya. Ah, naalala na naman niya ang mga kilig moments nila...





Nakangiting pinanonood ni Silver si Kevin habang nagluluto ng tanghalian. Kahit iniwanan siya ng magulang nang makakain ay nagabala pa ring magdagdag ng may sabaw si Kevin para raw mapabilis ang paggaling niya. Kilig na kilig naman si Silver sa pagiging thoughtful ni Kevin.

"Umuwi ka pa talaga para lutuan ako," nakangiting komento ni Silver. Sa pagkakaalam niya ay breaktime ni Kevin ng ganoong oras. Nata-touch tuloy siya.

"Iniisip ko kasing baka tulog pa sina tita at walang maghahanda ng pagkain mo. Kailangan mo pa namang uminom ng gamot." anito saka pinatay na ang stove. Matapos ay sinandukan na siya nito ng sinigang na hipon. Agad kumalam ang sikmura niya nang maamoy iyon.

"Ang sweet mo, alam mo ba iyon?" puri ni Silver. Hindi na niya maawat ang puso sa kilig.

"Ikaw talaga. Kumain ka na nga." naiilang na sagot ni Kevin. Nilagyan na siya nito ng kanin sa pinggan at ulam. Inihanda na rin nito ang gamot niya sa tabi para hindi niya makalimutang inumin.

Pero hindi siya tumigil. Nilambing pa niya si Kevin. "May sinabi pala sa akin si Heaven. Obvious daw na may feelings ka sa akin!" aniya at hindi nahiyang sabihin pa ang mga natuklasan.

Napabungisngis siya nang mamula ang mukha ni Kevin. Mukhang guilty! Hindi na makatingin ng diretso!

Tawa ng tawa si Silver. Para na siyang nasa langit sa tuwa. Nagkakantahan na naman ang mga anghel! Hallelujah to the highest level!

"Oo na. Inaamin ko na." amin nito. Namumula ulit ang tainga.

Nagkadasamid-samid si Silver. Biglang-bigla, hindi niya alam ang sasabihin! Kinikilig siya at hindi mapakali! Ganoon pala ang bagay na iyon. Kapag inamin nito nang harapan ay para siyang pinitpit na luya! Speechless siya!

"May hindi pa siya alam. Lagi kitang pinakikiramdaman sa kabila. Kapag narinig ko nang bumukas ang gate niyo, sinisilip kita. Nakaantabay na ako sa pagbalik mo sa pagja-jogging at pagpasok mo sa school." amin nito at tinitigan siya ng tuwid.

Natulala na si Silver! Nalokang tuluyan ang buo niyang sistema. Hindi niya alam na ganoon na pala ang mangyayari oras na umamin ito!

"Hindi ka na nakapagsalita." nangingiting saad ni Kevin at sinalinan siya ng tubig sa baso. "Nalulunok mo rin pala ang dila mo kapag minsan..."

Tuluyan ng hindi nakapagsalita si Silver! Paano niya iyon sasagutin? Kinikilig siya! Baka mautal-utal pa siya kapag nagsalita!

At hindi talaga ine-expect ni Silver na mangyayari ang lahat ng iyon. But she was grateful. It made her inspired even more...









***










"Ano? Nagugutom ka na ba? Kanina pa tayo rito." untag ng ina ni Silver na siyang nagpabalik ng kamalayan niya. Agad niyang sinupil ang ngiti dahil sa kilig. Ganoon ang epekto ng mga alaala nila ni Kevin. Kinikilig siya. Para siyang nasa alapaap. Hindi tuloy siya nababagot sa pila habang iniisip ito.

"Nagugutom na nga ako—"

"Silver!"

Napasinghap si Silver nang makitang humahangos si Kevin. Mayroon itong dalang plastic na naglalaman ng stryo. Hula niya ay meryenda iyon. Agad itong ngumiti sa kanilang magina. Natulala naman si Silver sa poging ngiti ni Kevin. Bigla itong nag-transform! From being a serious hottie, he became a boy next door cutie!

"Good afternoon po." magalang nitong bati sa ina niya at hinarap siya. "Dinalhan ko kayo ng meryenda. Baka lang hindi pa kayo kumakain."

Kilig to the bones na naman si Silver! Gayunman, pinigilan niyang mahalata. Baka makurot siya ng ina sa singit ng wala sa oras!

"Paano mo nalamang nandito pa kami?" takang tanong niya.

"Wala pang tao sa bahay niyo. Doon ako unang nagpunta. Alam ko na ngayon ang schedule mo sa x-ray kaya naisip kong baka nandito pa kayo. Kain na." anito at tumingin sa orasan.

"May pasok ka pa pala." aniya.

Tumango ito at ngumiti. "Sige. Mauuna na ako. Balitaan mo na lang ako mamaya, ha?" anito. Nang tumango si Silver ay umalis na si Kevin. Nakangiting sinundan na lang niya ito nang tingin. High na high ulit ang pakiramdam.

"Mabait talaga si Kevin, ano?" nakangiting untag ng ina ni Silver.

Proud na tumango si Silver. Doon na siya tinawag at pinapasok sa clinic. Agad siyang sinuri at natuwa nang malamang okay na ang paa niya. Kailangan lang niya iyong ipahinga pa ng ilang araw hanggang sa tuluyang maka-recover.

Excited na ibinalita iyon ni Silver pagdating ni Kevin ng hapon. Ngiting-ngiti naman ito at ginulo ang buhok niya. "Makakahabol ka sa game ninyo. Natutuwa ako para sa'yo."

"Salamat!" nakangiting sagot ni Silver.

"Para pala sa'yo," ani Kevin at kinuha sa bag ang isang puting plastic. Nang kuhanin ni Silver iyon at tingnan ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Maang siyang napatingin kay Kevin. "Gel for muscle pain. Sana makatulong. Baka lang kako nahihirapan kang matulog paggabi dahil masakit ang katawan mo sa mga nagiging laro mo,"

Aw... kilig na kilig si Silver! Parang ayaw na niya itong pauwiin! Gusto na lang niya itong manatili sa tabi niya at alagaan siya!

"Thanks. Gusto mo rin talaga ako, ano?" hindi nakapagpigil na saad ni Silver.

Mahina itong natawa at tinitigan siya. "Hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili ko." matapat nitong sagot.

Ah, lumulutang sa saya ang puso ni Silver. Gusto niya itong i-hug! Kaya lang, dahil sa hiya ay hindi niya magawa. Kinikilig na lang siya ng secret sa harap nito.

Siguradong kapag nagisa sa kuwarto ay magpapagulong-gulong na naman sa kama sa kilig si Silver.

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon