CHAPTER 9

724 28 3
                                    

"KEVIN!" TAWAG ni Silver nang makita ito sa garden. Agad niya itong nilapitan para maabutan. Dali-dali na naman kasi nitong nilalagay ang mga gamit sa bag. Naloloka na siya rito. Ilang araw na niya itong hindi makausap nang maayos. Mula nang dumating ito tatlong araw nang nakararaan ay parang umiiwas na ito.

Sa tuwing lalabas siya ng umaga ay hindi niya iyon naabutan. Hindi rin niya nakikita sa canteen o garden. Kapag nagkita sila ay isang tango lang ang gagawin saka aalis agad. Iniisip tuloy niya kung nakasama ang naging pagtawag niya. Natanong niya si Jessica tungkol sa tatay nito at sinabi naman nitong medyo cold daw talaga ang tiyuhin. Pero mabait naman daw iyon. Ganoon nga lang. Nakwento rin ni Jessica na tuluyang gumaling na ang ina ni Kevin kaya sa ngayon ay nakakapagtrabaho na ito ulit.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Silver nang maabutan si Kevin.

Isinukbit na nito ang bag. "May klase pa ako."

Napatingin siya sa orasan. "Wala kaya. Alam ko ang schedule mo." angal ni Silver. Kabisado niya ang pasok nito kaya alam niyang nagdadahilan lang ito.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" seryosong tanong ni Silver.

Napabuntong hininga ito. Nakitaan niya ng lungkot ang mga mata na pilit nitong itinatago. "May gagawin pa ako."

"Sasama ako." aniya at humawak sa braso nito.

"Saan ka sasama?" gulat na tanong nito.

"Kahit saan ka magpunta." aniya at hinila na ito.

Inawat ni Kevin si Silver. "Ang kulit mo na naman,"

"Ayaw mo?" seryosong tanong niya. Sumasama na ang loob niya dahil sa pagiwas nito.

"Silver," awat nito.

Binitawan na niya ito sa braso. "Sige. Kung ayaw mo, huwag."

"Silver—"

"Kung napagalitan ka ng tatay mo sa pagtawag ko, sorry talaga. Kung may mga nagawa akong hindi magawa, sorry. Huwag ka na sana'ng magalit. Promise, hindi na ako uulit." sinsero niyang saad at sana ay hindi na siya nito pahirapan. Nasasaktan na siya sa mga pagiwas nito.

Napabuntong hininga si Kevin at napatingin sa malayo. Kita niya ang halo-halong emosyon mga mata nito. Lungkot, tuwa at panghihinayang na parang dinaya lang siya ng paningin. Noong kumurap ito at hinarap siya ay wala na ang mga iyon. Seryoso na ito.

"Silver, wala kang kasalanan kaya wala kang dapat na ihingi ng sorry. May gagawin lang talaga ako," malumanay nitong saad.

"May laro kami mamayang gabi, manood ka ha? Nag-promise ka. Sabi mo manonood ka." umaasang saad niya.

"Titingnan ko. Sige na." non-committal nitong sagot saka umalis na. Parang dumilim ang mundo ni Silver. Naiiyak tuloy siya. Nadudurog ang puso sa pagiwas ni Kevin.









***


"Mine!" sigaw ni Silver nang tirahin ang bola. Agad naman iyong isinet ni Persian saka pinalo ni Heaven. Hiyawan ang mga tao nang hindi iyon matira ng mga kalaban. Umugong ang kantyawan sa gym pero parang balewala ang mga iyon dahil wala si Kevin.

Hindi na nagpakita si Kevin kay Silver. Hindi na niya rin alam ang iisipin. Nasisira na ang ulo niya kakaisip sa lalaki. Hindi siya mapakali at nalulungkot. Idinaan na lang niya sa laro ang lahat ng iyon.

Maganda ang score ng Guevarra Vixens laban sa Sta. Ana Tigress. Pangatlong set na iyon at limang scores na lang ay panalo na sila. Halos mabingi na siya sa sigawan ng mga supporters ng parehong team.

"Silver!" sigaw ni Wednesday nang tirahin ng kalaban ang bola. Lumipad iyon sa bandang likod niya. Pinilit niya iyong hinabol pero nagkamali siya ng hakbang. Natapilok siya pagkatira ng bola!

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon