"Nakangiti ka na naman d'yan! Para kang ewan!" kantyaw ni Heaven kay Silver. Napabungisngis lang siya. Ngiting isinandig niya ang ulo sa bintana. Papunta na sila sa arko ng Guevarra. Sakay sila ng service nila. Iyon na ang inauguration ng interschool. Napakaraming manlalaro sa gilid ng daan dahil naghahanda na sila para sa parade pero hindi threaten ang pakiramdam ni Silver. She was happy!
Kahit ilang araw na ang nakakaraan mula ng magkausap sila ni Kevin sa parking lot ay kinikilig pa rin si Silver. Mababaw man iyon para sa iba pero para kay Silver ay hindi. She treasured that day. Sa tuwing inaalala ay napapangiti siya. Naalala kasi niya ang pagkainosente ni Kevin. Nakakaaliw. Nakakakilig!
"In love ka talaga sa Kevin na iyon, ano?" nasusuyang komento ni Heaven.
Natawa si Silver. "Tingin mo? In love na talaga ako?"
Umikot ang eye balls nito. "Kulang na lang, gumulong ka sa kilig kapag nand'yan siya. Sa tuwing pinagusapan natin siya, kulang na lang din ay tumili ka. Ang landi-landi lang!"
Napahalakhak siya. "Hindi ko mapigilan! Kinikilig talaga ako sa kanya."
"Kung sabagay, mabait naman din kasi si Kevin. Kung hindi iyon mabait, sinungitan ka na sa kakulitan mo." komento nito.
"Oo nga, eh. Hindi lang 'yon, responsible pa siya." aniya at proud na ikinwento ang ilang characteristic na napansin niya kay Kevin.
"Tingin ko may gusto rin sa'yo 'yon. Natotorpe lang." ani Heaven.
Kumabog ang dibdib ni Silver. Kinilig siya sa kaalamang hindi lang pala siya ang nakakapansing mayroong feelings si Kevin sa kanya! "T-Tingin mo rin?"
Umismid si Heaven. "Nakita ko iyong sa gym noong tamaan ka ng bola sa mukha. Takot na takot siya. Maka-react parang mamatay ka na," naiiling na saad nito.
Napabungisngis si Silver. Kinikilig to the highest level. "Ano pa?"
"Sa tuwing nasa canteen tayo, nakikita ko siyang nakatingin sa'yo. Kapag napansin niya ako, magbabaling ng tingin."
Napatili si Silver sa kilig! Nagulantang ang mga ka-team nila! Pati ang coach, napatayo para tingnan sila.
"Wala 'to, coach!" natatawang saad ni Silver.
Napailing-iling na lang ang matanda saka naupo ulit. Napabungisngis siya nang kurutin ni Heaven sa braso.
"Ang harot mo talaga! Kaya natotorpe si Kevin dahil 'yang personality mo! Hindi siya makaporma kapag ganyan! Nakakaloka ka!" nalolokang komento ni Heaven.
Natawa si Silver. "Sige na! Magkwento ka pa!"
"Ayoko na! Hindi ko na sasabihin ang mga napansin ko!" naiinis nitong saad.
"Sige na! Sabihin mo na! Promise! Behave na ako!" natatawang pilit ni Silver. Nilambing-lambing pa niya ang kaibigan para magkwento. Ah, parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya!
"Oo na!" nakukulitang sagot ni Heaven at hinarap siya. "Siguradong maloloka ka sa sasabihin ko kaya ngayon palang, mag-behave ka na. Ipangako mo!" giit nito.
Napilitan tuloy itaas ni Silver ang kanang kamay. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Lagi ko siyang nakikitang sumisilip sa gym!"
Impit na tumili si Silver! Abot hanggang langit ang kaligayahan niya. Hirap na hirap siyang huminga!
And she was indeed touch. Sinisilip siya ni Kevin! Ibig lang sabihin ay concern talaga ito at sinisiguro ang kalagayan niya. Hindi naman sa nag-a-assume siya pero wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit ito sisilip doon. Siya lang naman ang ka-vibes nito sa gym!
"Hayan. Namatay ka na sa kilig! Nakakaloka..." napapailing na saad ni Heaven.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?" angal niya kuno.
Minulagatan siya ni Heaven. "Baka mapatay mo ako sa kilig, eh!"
Napabungisngis si Silver. Ah, para siyang idinuduyan sa alapaap. Dahil sa mga nalaman ay parang mas lalo pang lumalim ang damdamin niya kay Kevin.
"Pero honestly, gusto ko si Kevin para sa'yo. Ang bait niya. Obvious naman. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na puro porma. Nakakagigil! Kagaya ni Lucian? Diyos ko! Naloka ako doon! Pinaiiyak niya ang teacher namin sa Algebra!" napapailing na saad ni Heaven.
"Kilala ko iyon! Madalas na laman ng guidance iyon, eh. From college of engineering and architecture iyon, hindi ba?" aniya.
"Mismo! Kaya suwerte ka kung si Kevin ang makakatuluyan mo." anito.
Napangiti siya. Kilig na kilig! Hindi na yata talaga mauubos ang kilig na iyon sa puso niya.
"Okay, let's go now!" anunsyo ni coach nang pumarada na sila. Agad na silang tumalima. Pumila na sila at hindi nagtagal ay nagsimula na ang parade.
"Si Kevin!" bulong ni Heaven.
Agad lumingon si Silver at napangiti nang makitang nakatayo si Kevin sa gate ng school. Nanonood ng parade.
Kumaway ito. Muntik nang mahimatay si Silver! First time! Nauna siyang kawayan ni Kevin! Sign na ba talaga iyon na nagbabago na talaga ang ihip ng hangin? Nagbunga na ba ang mga pagpapa-cute niya?
Ah! Kailangan niyang malaman! Aalamin ni Silver iyon sa lalong madaling panahon!
BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
RomanceTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...