CHAPTER 22

1K 29 2
                                    

"SILVER! SILVER!"

Napatayo si Silver nang marinig ang malalakas na pagbayong iyon sa gate nila. Nagkatinginan silang maganak. Kasalukuyan silang kumakain ng breakfast. Walang trabaho ang mga magulang niya kaya nagawa nilang makakain nang sabay-sabay.

"Si Kevin ba iyon?" gulat na tanong ng ina ni Silver.

Kumabog ang dibdib ni Silver. Gayunman, sa huli ay hindi niya in-entertain ang idea. Galit itong umalis isang linggo nang nakararaan. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit pa siya nito kakausapin. Kaya sa huli ay hindi niya inisip ang posibilida na si Kevin nga ang tumatawag.

"Silver! Please! Let's talk!" pagsusumamo ni Kevin sabay bayo sa gate.

Tuluyang tumibok nang mabilis ang puso ni Silver. Si Kevin nga iyon! Bigla siyang hindi mapakali hanggang sa minabuti niyang puntahan ito. Nakasunod ang mga magulang niya.

"Kevin!" gulat niyang bulalas nang bumungad ito. Mukhang hagarad ang lalaki. Magulo ang buhok at mukhang puyat pa. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito. Lukot din ang polo na gray at slacks. Tingin niya ay natulog ito sa sasakyan.

"I'm sorry..." pagsusumamo nito at lumuhod sa harap niya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at mariing hinalikan iyon. Tinitigan siya nito at natunaw ang puso niya nang makita ang takot, lungkot at pait sa mga mata nito.

"K-Kevin..."

"I know everything and I am so, so, sorry..." anito at sinabi ang mga natuklasan sa mga magulang. Matapos ay nahihiya itong bumaling sa mga magulang niya. "Ako na ho ang humihingi ng paumanhin sa mga nangyari. I'm so sorry kung napagsalitaan kayo ng hindi maganda ng tatay ko..." apologetic na saad ni Kevin.

Naluha si Silver. Kahit paano ay natuwa siyang alam na nito ang totoo. "Kevin..."

Hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya at masuyo siyang tinitigan. "Alam ko na hindi sapat ang isang 'sorry' sa mga nangyari. Patawarin mo ako kung hindi kita basta pinaniwalaan at mas sila ang inintindi ko. Ngayon ko naiintindihan na deserve ko ang mga ginawa mo noon sa gym at hindi pagsagot sa mga tawag ko..."

"T-tumawag ka noon? Hindi ba't wala ka pang cellphone noon?" takang tanong ni Silver.

Umiling ito at ipinaliwanag na binigyan ito ng graduation gift. Sa huli ay napatango si Silver at naalala ang nakitang new number sa cellphone na tumatawag noon. "G-Ganoon ba? Pasensya ka na kung hindi ko sinagot noon. Hindi kasi ako basta sumasagot sa mga caller na hindi ko kilala..."

Nakakaunawang tumango si Kevin. "I understand now. Again, I am really, really sorry for everything. P-Pakiramdam ko, wala na akong puwedeng gawin para maituwid ang lahat." nagsising saad nito.

Natunaw ang puso ni Silver. Naiyak na siyang tuluyan. "Kevin..."

"Alam kong nasaktan kita lalong-lalo na noong huli tayong nagusap. Ang laki-laki ng atraso ko sa'yo... God, I'm so sorry... I really don't know..." worried nitong saad at tumayo saka siya niyakap ng mahigpit.

Napahagulgol na lang si Silver sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay mayroong bahagi ng puso niya ang gumaan. Gayunman, nagaalangan pa rin siya. Panay naman ang buntong hininga ni Kevin. Hinayaan lang siya nitong umiyak sa dibdib niya hanggang sa tumahan siya. Masuyo siya nitong tinitigan at pinunasan ang mga luha.

"Pero kahit walang way para balikan ang lahat at maituwid, naisip kong bumawi ngayon." masuyo nitong saad. Nasa mga mata ang katapatan.

"Paano ang pamilya mo?" alanganing tanong ni Silver.

"Panahon na para pagaralan nilang tanggapin ang desisyon ko." determinado nitong sagot.

Napayuko si Silver. "Hindi ko matatakasan ang mga magulang mo. Paano kung dumating ulit ang ganoon sa lahat? Magmumukha na naman akong sinungaling? Madadamay na naman ang mga magulang ko. A-ayoko nang maulit iyon..." nagaalangang paliwanag niya.

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon