CHAPTER 19

773 29 0
                                    

Hindi ka talaga makakapunta? Napabuntong hininga si Silver nang makita ang message ni Jessica. Birthday na nito pero hayun siya. Nasa bahay nila Heaven. Nagmumukmok siya samantalang busy ito sa pinanonood sa tablet. Nagdahilan siyang mayroong gagawin kaya hindi makakapunta pero makulit ang kaibigan. Kanina pa siya nito tinatawagan at tini-text.

Hindi natuloy si kuya Kevin. Sana naman makapuntaka na. Wala na nga siya. Pati ba naman ikaw? Wala? Second time 'to na wala kayo sa birthday ko... nagtatampong dagdag na message ni Jessica. Nakonsensya tuloy siya.

"Pumunta ka na kasi." ani Heaven at ibinaba ang tablet. Alam nito ang nangyari sa kanila ni Kevin at ang tungkol sa pagtambay niya roon kaya ito nakapagsalita ng ganoon.

Napabuntong hininga si Silver. "Nagtatampo na nga si Jessica." aniya at sinabi ang mga messages ng kaibigan.

"Iyon naman pala. Go na! Sa tingin ko, imposible ring makapunta si Kevin. Natatandaan mo si Shane? Magkatrabaho pala sila ngayon ni Kevin sa Manila. Nakwento noong pinsan niya sa akin kahapon na lagi daw nago-overtime si Kevin. Minsan, pumapasok pa ng day off. Hard working ang bebe boy mo." balita nito.

"Ex." malamig na pagtatam ni Silver. Lihim siyang natuwa sa narinig. Hindi malayong magiging big time agad si Kevin.

Siguradong proud ang mga magulang nito dahil nakamit nila ang pangarap para sa anak. Sayang lang dahil hindi na siya kasama sa pangarap na iyon. Nalungkot si Silver sa naisip.

"Paano kung bigla siyang dumating at makipagayos? Okay na siya. Stable na. Puwedeng-puwede ka na niyang balikan. Makikipagbalikan ka?" untag ni Heaven.

Biglang napa-oo ang puso ni Silver. Nalungkot siya sa sinabi ng puso. Kahit pala ano'ng pilit na kalimutan si Kevin ay hindi niya nagawa. At the end of the day, it was him still. Kahit matindi ang naging tampo niya ay nanatiling ito pa rin ang lalaking mamahalin niya...

"Imposible na iyon. Kung gusto niyang makipagbalikan, sana ay ginawa na niya noon." malamig niyang sagot. Iyon din ang madalas niyang sabihin. Matapos ang huling pakikipagayos ni Kevin ay hindi na ito umulit. Naisip niyang nauntog na ito.

"Kung sabagay. Natatandaan ko 'yung nangyari sa gym last year. Napahiya iyong tao. Siguradong dinamdam noon ang mga nangyari. Mahal na mahal ka noon, eh." malungkot na saad ni Heaven at napabuntong hininga.

Nangilid ang luha ni Silver nang maalala ulit ang mga nangyari. Parang mayroong tumadyak sa sikmura niya ng maalala ang pagsusumamo ni Kevin. Ang mga hinanakit nito sa mga mata ay maraming gabing hindi nagpatulog sa kanya.

"Sige na. Maki-birthday ka na. Wala naman pala si Kevin." udyok nito.

Huminga ng malalim si Silver at nagpaalam na. Minabuti niyang dumaan muna sa mall at binilhan ng regalo si Jessica para makabawi rito. Matapos ay umuwi na siya. Napabuntong hininga siya ng makitang maraming sasakyan sa labas ng gate nila Jessica. Mukhang dumating din ang katrabaho ng mga magulang nito.

Umuwi muna si Silver at nagpaalam. Napatingin tuloy ang mga magulang niya sa kanya. Palibhasa ay hindi pa niya sinasabi na okay na sila ni Jessica.

"Sorry po, 'ma. Hindi ko agad nasabi sa inyo," nahihiyang saad ni Silver at sinabi ang naging pagaayos nila ni Jessica.

"Anak, hindi naman iba si Jessica sa amin. Kaya lang ay ayaw ka naming masaktan." paliwanag ng ina niya.

Ngumiti si Silver. "Okay naman kami, 'ma."

"Sure?"

"Sure na sure." aniya at nag-thumbs up.

Tumango na ito at ngumiti. "Okay. Alam ko naman magkaibigan na kayo noon pa. Hindi mo rin siya matitiis." nakakaunawang saad nito.

Niyakap ni Silver ang ina at nagpaalam na. Dali-dali na siyang lumipat kina Jessica. Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. Agad niya itong binati at niyakap.

"Happy birthday!"

"Thanks! Sina tita?" tanong nito.

"Nasa bahay." aniya.

"Okay. Susunduin ko sila." anito at kinindatan siya.

Bago pa ito napigilan ni Silver ay nakaalis na ito. Agad naman siyang inestima ng ina ni Jessica. Hindi nagtagal ay dumating na si Jessica kasama ang mga magulang niya!

Biglang nagkaroo ng tensyon sa kusina hanggang sa napalatak ang ina ni Jessica. Nilapitan na nito ang mommy at daddy niya saka niyakap. "Thank you sa pagpunta ninyo. Sorry din sa mga nangyari..." nagpapakumbabang saad nito.

Napangiti silang magkaibigan nang makitang nagkakaayos na ang mga magulang nila. Inakbayan ni Silver si Jessica.

"Pasensya na rin sa ginawa ng kapatid ko. Naiintindihan ko ang naging reaksyon niyo. Kaya ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga nangyari," seryosong saad ng ama ni Jessica at kinamayan ang daddy niya at mommy. Kita nila ang sinseridad at pagpapakumbaba nito.

"Wala naman talaga rin kasing problema sa inyo. Pasensya na sa ginawa naming pagiwas. Ayaw na rin kasi naming lumala ang lahat." apologetic ding saad ng ama ni Silver.

"Naiintindihan namin." nakakaunawang saad ng ina ni Jessica.

Muli, paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang mga matatanda sa isa't isa hanggang sa napangiti na silang tuluyan. Kahit paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ni Silver.

"Kain na tayo!" aya ni Jessica.

Natawa silang lahat. Nagsalo na sila sa masaganang salo-salo hanggang sa gabihin na silang maganak doon. Naginuman pa ang mga magulang nila. Tila humabol sa mga panahong hindi nagkasama.

Napangiti na lang si Silver sa lahat ng iyon. Natutuwa siya na nagkaayos na ang mga magulang niya at tuluyang nawala ang gap nila.

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon