01 /Trouble/

58.8K 1.6K 493
                                    


Daniela's POV

Padabog akong umupo sa upuan ko habang nagpupuyos parin sa galit. Naiinis ako dahil hindi man lang ako nakaganti sa pagsampal saakin ng babaeng yun. Bwisit talaga!

"Anyare sa mukha mo?" biglang tanong ni Chelle na classmate ko. Inirapan ko lang siya at masamang tumingin sa labas ng bintana.

"Ay deadma ang peg?" sabi niya ulit at sinundot ang tagiliran ko kaya mabilis akong nag-react.

"Ano ba!" bulyaw ko sakanya at mabilis naman siyang napahalukipkip.

"Sorry naman." sabi niya at nag-peace sign.

"Huwag ka ngang papansin!" bulyaw ko ulit sakanya.

"Teka? Ano bang problema mo at galit na galit ka?" tanong niya at nakapameywang sa harap ko.

I composed myself before i face her.

"Nakakainis kasi yung babaeng yun, ang lakas ng loob na sugurin ako!" nanggigigil kong sabi sakanya.

"Sinong babae?" kunot-noo naman niyang tanong.

"Sino pa ba edi yung bitch na si Jessica!" sabi ko at paulit-ulit ko ng sinabutan sa isip ko yung bwisit na Jessica na'yun.

"My ghad! Danny, hanggang ngayon ba magkaaway parin kayo?"

"Oo at hindi na magbabago yun, huwag lang talaga siyang magpapakita saakin dahil kakalbuhin ko siya."

We're talking about Jessica Santos, my ex-bestfriend slash enemy slash bitch. Sobra akong nanggagalaiti sakanya dahil masyado siyang insecure, wala na siyang ginawang matino kundi bwisitin ako araw-araw. Hindi ako papayag na siya lang ang makaganti saakin, ang sakit kaya ng sampal niya. Lintik lang ang walang ganti!

"Don't tell me siya ang may gawa niyan sa mukha mo?" tanong niya habang nakaturo sa pisngi kong namumula dahil sa pagkakasampal.

"Yes she is, hindi naman ako papayag na siya lang ang makasampal." sabi ko at sinipa yung bakanteng upuan sa harap ko.

"Para kayong mga bata, gantihan kayo ng gantihan." sabi ni Chelle habang umiiling-iling pa.

'Problema ng babaeng 'to?'

"Pwede ba Chelle, wala kang pakialam kung naggagantihan kami dahil hindi naman ikaw yung nasa kalagayan ko!" sigaw ko sakanya atsaka ko siya dinuro.

Isa pa'to, masyadong papansin eh hindi naman kasi close. She's just my classmate tapos kung makapagsalita wagas. Well i don't blame her because she's telling the truth, gantihan lang ang ginagawa namin ni Jessica dahil sa walang humpay na away namin.

Kung iniisip niyong masyado akong harsh at bastos, well slight lang dahil nadadala ako sa galit ko kaya ganon, mabait ako sa mabait at maldita ako sa maldita. Sorry kay Chelle dahil inuunahan niya ako sa gagawin ko.

Well i might introduced myself, I'm Daniela Alvarez a.k.a Danny, 17 yrs old, 4th year highschool here in Saint Avila. Enough for the introduction dahil hindi naman first day of class ngayon. Chos!

Hindi na ako pinansin ni Chelle at tahimik nalang na nakaupo sa gilid ko, hinintay nalang namin na dumating ang teacher namin. Humanda saakin yang Jessica na'yan.

Discussed

Discussed

Discussed

Lunch Break

Mabilis akong lumabas ng classroom pagkatapos ng klase. Dumiretso ako sa cafeteria dahil doon ko lang siya makikita. Halos banggain ko na lahat ng estudyanteng nakakasalubong ko dahil sa nag-uumapaw na galit ko kay Jessica.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon