53 /Acting Weird/

12.9K 548 79
                                    


Daniela's POV

Kinabukasan ay agad din akong kumilos para pumasok ng maaga. Hindi ko alam kung bakit ang light ng mood ko ngayon. Siguro dahil wala na akong kinikimkim na nagpapabigat ng damdamin ko.

What i mean is yung nangyari kahapon. Nakahingi na ako ng tawad sa buong Section E at malugod namang tinanggap ng hari nilang si Raven at ibang mga depungal yung tawad ko.

Nakarating din agad kami sa school at diretso akong pumasok sa room namin. May kanya-kanya namang mga mundo yung iba pero isa lang ang nakatawag ng atensyon at pansin ko.

Nakaupo siya sa upuan niya at may salpak na headphones sa tenga at slowly na naghe-headbang. Kahit takang-taka sa kilos niya ngayon ay nagawa ko paring makarating sa upuan ko habang nakatingin parin sakanya.

Usually kasi ay lagi siyang naka-poker face at parang walang pakialam sa mundo at nakadukdok lang sa lamesa niya. What the hell happened to him? Bakit parang ang saya ng mood niya?

Napatingin siya saakin at bigla akong kinindatan at doon lang ako napabalik sa ulirat. Sa pagkindat niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko nag-init yung pisngi ko.

'Damn you Raven!'

Umiling-iling nalang ako at hindi nalang siya pinansin. Hindi ko alam kung anong nakain niya at ang weird niya ngayon.

"Goodmorning Daniela!"

Napatingin ako kay Zero ng batiin niya ako at binati ko din siya pabalik at nginitian naman niya ako at naglakad papunta sa upuan niya, katabi kay Raven.

"Morning Danny!" sumunod namang bumati saakin si Marcus.

"Ahh, Morning too Marcus." binati ko din siya pabalik at nginitian ko din siya.

Hindi ko alam kung bakit binabati nila ako ngayon? Wala sa bokubolaryo nila ang pagiging mabait para batiin ako. Hindi ko alam kung bakit ang we-weird nila ngayon? May bagay ba akong hindi alam kaya sila ganyan ngayon?

"Magandang Umaga Ate Danny!"

Masayang bati ni Cholo saakin habang may kinakain na namang pagkain. Hindi na ako magtataka sakanya dahil ganyan naman siya palagi, laging gutom at siya din ang bumabati saakin sa umaga.

Umupo siya sa tabi ko at hindi ko naman maiwasang ngumiti dahil sa kakulitan ng batang 'to. Nangangati yung kamay ko kaya mabilis ko siyang pinanggigilan at pinagpipisil ko ang pisngi niya.

--

Natapos ang iba naming subjects at ngayon free time namin. Kasalukuyan kaming naglalaro ni Cholo ng tawagin ako ni Zero.

"Daniela halika!" tawag niya.

"Bakit? Ano yun?" taka kong tanong.

"Halika, may bibigay ako sayo." sabi niya at kaya mas nagtaka ako.

"Huh? Ano namang ibibigay mo saakin?" kunot-noo kong sabi.

"Basta, sumama ka saakin." sabi niya at hinila yung braso ko palabas ng room.

Wala naman akong nagawa kundi magpakaladkad dahil nagtataka din ako kung anong ibibigay niya. Nakarating kami sa isang classroom sa lumang building.

"A-anong ginagawa natin dito?" taka kong tanong sakanya.

Ginawa na kasing tambakan 'tong lumang classroom na'to at usually wala talagang pumupuntang estudyante rito, except us. I mean kaming mga Section E.

"Wait!" sagot niya.

"Aba! Zero kung may binabalak ka saakin, sinasabi ko sayo ay huwag mo ng ituloy!" asik ko at kinuha yung arnis sa gilid at tinutok sakanya.

"Haha sira, wala akong gagawin sayo. May ibibigay lang ako sayo." sabi niya at napatanag naman ako.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon