40 /School Festival 10/

14K 567 18
                                    


Daniela's POV

Ganoon nga ang nagyari saamin, sinubukan namin lahat ng booths na nakikita namin, hindi rin namin pinalagpas ang mga food stalls na nagkalat sa buong school.

Halos hindi na nga ako makalakad sa sobrang kabusugan, umupo ako sa isang bench para magpahinga. Masakit na din ang paa ko dahil kanina pa kami palakad-lakad.

"Hey!"

Napatingin ako kay Marcus ng umupo siya sa tabi ko.

"Okay ka lang?"

"Oo naman, pagod lang ako." sagot ko atsaka ako tumingin sa kawalan.

Nakita ko sa gilid ng mata kong tumango siya at nakatingin saakin, hindi ko magawang mailang sa paraan ng pagtingin niya saakin dahil sa mga katanungang bumabagabag saakin.

Halos mamatay-matay na ako kakaisip kung masasagot ba talaga ang mga tanong ko sa isip? Idagdag mo'pa yung mga bagay-bagay na nangyari saakin, katulad nalang kanina.

Muntikan na akong ma-kidnapped dahil sa mga pesteng gangster na'yan, kasi kung tutuusin eh hindi ko sila kilala at wala akong matandaan na atraso sakanila para gantihan ako sa paraang alam nila?

Isa pang katanungan ay itong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung dala ba'to ng kalandian ko o talagang lahat ng nagbibinata at nagdadalaga ay nakakaranas nito? Mas nai-intimidate ako sa presence nila Marcus, Zero at Raven kapag kasama ko sila.

Urgh! Ang sakit pala sa utak ang kakaisip? Ultimong maliit na bagay kine-kwestyon ko'na, gaya nalang kung bakit nagawa pa ang sigarilyo kung nakakamatay din naman, iyang ganyan palang ngang katanungan ay hindi ko'na alam ang sagot?

Dyan pa kaya sa mga katanungan kong ako mismo hindi ko din alam? Bumuntong hininga ako atsaka napatungo.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Marcus na siyang katabi ko'pa din.

"Oo, iniisip ko yung mga bagay na mahirap sagutin?" sagot ko.

"Gaya ng?"

"Hmm... gaya kanina, kung bakit ako sinugod ng mga gangster?"

"Hindi ba't nasagot ko'na yan kanina?" kunot noo niyang bulalas.

"Oo pero walang akmang sagot, malayo at hindi ko parin maintindihan?" sagot ko at natawa nalang.

"May mga tanong talagang mahirap sagutin." asik niya kaya napatingin ako sakanya.

"Tulad ng?" tanong ko.

"Tulad mo."

"Huh? Tulad ko? Paano?" kunot noo kong tanong.

"I-ikaw. Tulad mo, nagtatanong ka'sa mga bagay na hindi mo rin alam ang sagot." nautal pa siya sa una niyang sagot kaya napaisip naman ako sa sinabi niya.

Naghahanap ako ng mga tanong na mahirap sagutin pero ako mismong nagtatanong ay hindi ko rin alam ang sagot. Masyadong magulo, masyado akong maganda para ma-stress.

"Oo nalang nga, pinaikot mo lang eh!" asik ko atsaka ko siya tinabig.

"Totoo naman eh." asik pa niya.

"Oo nga, pero may tanong pa ako?" sabi ko.

"Oh? Anong tanong na naman?"

"Sus! Alam kong alam mo ang sagot sa tanong ko." sa pagkakasabi ko no'n ay bigla naman siyang namutla.

"A-anong tanong ba'yang itatanong mo?" sabi niya.

"Bakit ka may black eye? Yung totoo?" sinamaan ko siya ng tingin pero tila naghahanap ng sagot ang mga mata niya.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon