64 /Regrets/

12.7K 480 31
                                    


Raven's POV

Nagpupuyos akong lumabas ng room matapos kaming komprontahin ni Daniela patungkol sa panloloko namin sakanya ng buong Section E. Nakarating ako sa rooftop at napasabunot sa buhok ko at gusto kong magwala.

"TANGINA!"

Malakas akong nagsisigaw habang pinagsisipa ko yung mga luma at sira-sirang upuan. Ramdam ko din yung sakit at hapdi ng kamao ko, patuloy paring umaagos ang dugo dahil sa pagbasag ko ng salamin kanina.

Hindi ko alam kung bakit punong-puno ako ng pagsisisi sa sarili ko, ako naman ang may pakana at may kasalanan nito una palang. Ang sakit makita na nasasaktan yung taong mahal mo at nang dahil saakin yun.

Nang dahil sa katangahan at kagaguhan ko yun. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras, matagal ko na sanang ginawa. Noong una hindi ako naniniwala sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi dahil punong-puno ako ng kumpiyansa sa sarili ko at sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan hinding-hindi ako magsisisi.

Pero hindi ko mababago ang takbo ng tadhana. I was full of regrets and i don't know what to do now, ngayong alam na ni Daniela ang lahat. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin yon sakanya, nangyari ang plano kong paglaruan siya noong una ko siyang nakita.

FLASHBACK

Nakatayo ako sa rooftop at dinama ko ang sariwang hangin, pinakatinitigan ko ang kabuuan ng buong school at hindi na ako makapaghintay na umalis sa bulok na eskwelahang 'to.

Isang taon pa at makakaalis na rin ako dito. Mapait akong napangiti dahil naalala ko lahat ng mamasaya at mapapait na nangyari saakin dito sa HVIS. Umalis ako sa pagkakasampa ko sa railings at nakapamulsang umalis ng rooftop.

Mabilis akong lumiko at may nakabunggo akong babae nang hindi inaasahan at mabilis na nahulog yung hawak niyang papel. Blanko ko naman siyang tinignan atsaka ko kinuha yung nahulog niyang papel.

Isang transfer slip. Daniela B. Alvarez, Section E. Isang Alvarez, huwag niyang sabihin saaking kapatid 'to ng kambal na Alvarez? Napangisi ako dahil sa isiping yun at talagang isang katulad niya ang lilipat sa Section namin.

Hindi na sila nadala, dati si Patricia ngayon siya naman. Humingi siya ng paumanhin pero hindi ko siya sinagot at kinuha nalang niya yung transfer slip niya.

"Tss!" asik ko at walang sabi-sabing umalis.

Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa room namin atsaka biglang nagkaroon ng ideya sa isip ko para umalis ang babaeng yon sa Section namin. Hindi siya welcome at isa pa, babae siya at sigurado akong gulo lang ang dulot niya saamin.

Nilabas ko ang phone ko atsaka ako nag-chat sa groupchat namin.

"May transferee sa Section natin, we'll need to drive her off." mabilis ko yung sinend at tuluyang pumasok sa room namin.

Umupo ako sa upuan ko at mabilis namang lumapit saakin sila Marcus, Zero at yung iba.

"Sinong transferee yung sinasabi mo bro?" tanong nila.

"You'll see..."

Ilang minuto pa kaming naghintay nang may kumatok sa pintuan. Sure akong yung babaeng yun ang kumatok, mabilis naman siyang pinagbuksan ni Sir Alvin at gulat ng tanongin kung dito ba yung Section E.

Pumasok siya at gulat din silang lahat.

"Siya ba yung sinasabi mo?" takang tanong ni Zero.

"Sino pa ba?"

Nagpakilala siya sa harap at blanko lang ang itsura ko. Para siyang Chinese dahil sa style ng buhok niya at sa uri palang ng ugali niya ay nakikita kong hindi sila nagkakalayo ni Patricia.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon