18 /Garbage Fray/

19.3K 821 69
                                    


Daniela's POV

Nakahilata lang ako sa kama at tamad na tamad bumangon dahil iniisip ko parin lahat ng mga pangyayari kahapon, sumasakit ang ulo ko dahil hindi parin mag-sink in ng maayos sa utak ko lahat, lalo na ang away na nangyari.

Maraming tanong ang bumabagabag saakin dahil sa mga nalaman kong hindi ko naman alam ang sagot, gaya nalang no'ng pagwawala ni Cloud at yung mga sinabi niyang tradisyon tungkol sa Section E, at yung possibility na may pangyayari sa past nila ang mangyayari ulit at feeling ko kasangkot ako.

Nakakainis pa yung mga sinabi ni Raven na i was never and not exemption, so anong tingin niya saakin? Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking yun, masyado siyang bossy at mayabang.

'Lalo na't kapag bored siya!'

Kahapon ko lang yata nakita ang ibang expression niya at magkakahalo pa, what i mean is his mixed emotions that anyone can be scared in just his death yet bored glare. Maski ako natakot ng konti, slight lang naman.

Alam ko hindi ko pa alam ang lahat ng tungkol sa Section E, soon malalaman ko rin pero hindi pa ngayon, mukhang ilag parin saakin ang ibang depungal's, akala ko pa man din okay na kaming lahat, hindi pa pala.

*BLAG*

Nasa kalagitnaan ako ng pagpa-planking ko ng biglang bumukas ng napakalas ang pintuan ko, sa gulat ko ay nahulog ako sa kama at nauntog sa sidetable.

"Ouch!" daing ko at napahawak sa sentido.

Nakita kong pumasok si Kuya Yoseph at Joseph at diretso sa kama ko at masamang tumingin saakin. Anong problema ng mga 'to?

"Hindi ba kayo marunong kumatok!" asik ko at tumayo sa pagkakahulog.

"Sorry bunso, nadala lang." sabi ni Kuya Yoseph.

"Nadala saan?"

"Dito, nadala dito!" sabi niya at itinuro ang kwarto ko.

'Ang tinong kausap!'

"Umayos ka nga." singhal sakanya ni Kuya Joseph.

Inirapan ko nalang siya. "Bakit kayo pumunta dito? May sasabihin ba kayo?" tanong ko.

"Nandito kami dahil sa nangyari kahapon." ani Kuya Yoseph.

"Daniela, akala ko ba magbabago kana at hindi makikipag-away?" sabi ni Kuya Joseph.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil totoo ang mga sinasabi nila saakin, hindi ko'na yata maiaalis sa katawan ko ang pakikipag-away.

'I don't know? Maybe?'

"Daniela, kami na nagsasabi sayo na tumigil ka'na sa pakikipag-basag ulo, kung umasta ka daig mo pa kami ni Joseph!" sabi naman ni Kuya Yoseph at nakaturo sa kambal niya.

"Tama si Yoseph Daniela, umasta ka bilang normal, tulad ng normal na babae, yung dating ikaw." ani Kuya Joseph pero napailing lang ako.

"Hindi ka naman ganyan dati diba?" tanong ni Kuya Yoseph.

'Noon yun Kuya, hindi na ngayon'

"Huwag mo sanang isipin na pinangungunahan ka namin... pero nag-aalala lang kami bilang Kuya mo, syempre mag-aalala kami dahil nakikita namin ni Yoseph na lagi kang may pasa." realtalk ni Kuya Joseph.

'Ano nga bang nangyayari saakin?'

"Nadala ka'na naman na siguro sa sermon sayo ni Mommy?" tanong ni Kuya Yoseph.

Nag-video call kami ni Mommy through skype dahil nasa Thailand siya at nalaman ang nangyari saakin, sinermonan niya ako ng sinermunan at wala akong nagawa kundi ilabas lang sa kabilang tenga ko lahat ng sinasabi niya, pero hindi ko maiwasang masaktan.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon