62 /Revelations 0.2/

12.1K 463 73
                                    


Daniela's POV

Malalim na ang gabi ng mapag-desisyunan ko ng umuwi, hinatid ako ni Ivan, tumanggi pa ako no'ng una pero knowing himself ay wala rin akong nagawa, plus the fact na nahihilo ako at parang wala na akong lakas para maglakad.

"Dyan nalang sa may white na gate." sabi ko sabay turo ko sa gate ng subdivision namin.

"Dito na pala kayo lumipat." he said.

"Yeah, and don't you dare come here. Wanted ka parin kila Kuya."

Tumango siya atsaka ako nagpaalam sakanya. Mabilis akong pumasok sa subdivision namin at sa labas palang ng bahay ay tanaw ko'na sila Kuya at mukhang nagtatalo.

Patay na talaga ako neto. Lakas loob naman akong naglakad papasok ng tuluyan sa bahay hanggang sa nakita na nila ako.

"Daniela!" sabay nilang sigaw atsaka ako niyakap.

"For Pete's sake Daniela! Where have you been?" asik ni Kuya Yoseph habang niyuyugyog ako.

"Dyan lang..." hypothetical kong sagot.

"We've been looking you the whole timed, tapos sasabihin mong dyan lang?" bulyaw saakin ni Kuya Joseph.

'He's really mad'

"Sorry kung pinag-alala ko kayo; gusto ko ng magpahinga." malamya kong sagot pero nagkatinginan lang sila.

"Sabihin mo nga saamin Danny. Ano bang nangyayari sayo?" tanong nilang dalawa pero hindi ako nakasagot.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala akong nagawa kundi yumuko nalang at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naiyak nalang ako.

Kahit nalilito sila Kuya dahil sa biglaan kong pag-iyak ay kusa nalang nila akong niyakap.

"Bukas nalang tayo mag-usap, it looks like you really need to rest." sabi ni Kuya Yoseph kaya tumango nalang ako.

Tuluyan na kaming pumasok sa bahay atsaka ako dumiretso sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at wala na akong lakas para magpalit.

Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na pagod, yung feeling na para akong na-paralyze sa sobrang stiff ng katawan ko. Malalim na ang gabi at hindi parin ako makatulog, tulala lang akong nakatingin sa kisame.

'BRIZZK! BRIZZK!'

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Sinipat ko naman kung sino yung tumatawag pero anonymous number lang ang nagpapakita sa screen.

Hindi ko gawain ang sumagot ng mga unknown numbers kaya malamang hindi ko sinagot; at sino namang tatawag saakin ng ganitong oras? Ilang segundo lang ng mawala ang caller ng mag-vibrate ulit. Ilang beses pang nag-vibrate ng mairita na ako.

"Hello? Sino 'to!?"

Hindi siya sumasagot kaya nainis ako. Yung feeling na marami na akong iniisip tapos dadagdag pa ang isang 'to.

"Pwede ba kung mantri-trip ka, huwag ako! Bwisit ka!" bulyaw ko sa caller and I'm about to hang up but then he suddenly spoke.

"Hello Daniela." sabi niya at hindi pamilyar saakin ang boses niya.

"Sino 'to?"

"Si Uno 'to."

"Huh? Sinong Uno?" kunot noo kong tanong.

"Uno Damian, yung boyfriend ni Yngrid. Remember me?" paliwanag niya.

Literal akong nagtaka at nalito dahil hindi naman kami close para tawagan niya ako. Isa pa't magkaaway kami. What's with his guts?

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon