38 /School Festival 8/

16K 573 9
                                    


Daniela's POV

Para akong tanga na nakatingala sa kisame at iisa lang ang tanong na tumatakbo sa utak ko? Am i really inlove? Paano? Bakit? Isang mahirap na tanong at hindi ko alam ang sagot.

Oh baka naman infatuation lang 'tong nararamdaman ko at praning lang talaga ako? Siguro, sana nga. Ayokong umasa sa wala kahit wala naman talaga, oo tama infatuation lang 'tong nararamdaman ko. Hindi porke tumibok ang puso ko'sa isang tao ay inlove na ako. Paano sila Zero at Marcus? Tumibok din naman ang puso ko sakanila.

Atsaka mahirap paniwalaan na ma-inlove si Raven saakin, isa pa gangster siya at sa pagkakaalam ko ay sagabal lang ang pagmamahal sa isang gangster, at pangalawa ay bored siya at wala talagang pakialam sa pag-ibig.

Teka? Ano bang pakialam ko sakanya, hindi man siya maniwala sa love ay wala na akong pakialam don. Buhay niya yun at wala akong karapatang mangialam.

Teka nga ulit? Bakit ko'ba siya iniisip?

'Bakit nga ba?'

Sinapok ko ang sarili kong noo at nagpaikot-ikot sa kama ko. Urgh! Ano bang nangyayari saakin at ang lakas ng epekto saakin ng damuhong yun!

*BLAAGG!*

Shit! Sa pagkakaikot-ikot ko ay tuluyan akong nahulog sa kama ko at nauna pa ang mukha ko. Damn yung ilong ko baka na-dislocate na, kakapagawa ko pamandin. Chos!

"Anong nangyari!?"

Humahangos na umakyat sila Kuya at gulat na gulat. Agad naman akong tumayo sa pagkakahulog ko.

"Ahh ehh wala, nahulog lang ako." sagot ko at nag-peace sign pa.

"Talaga ba? Bakit ka nahulog?" tanong ni Kuya Joseph pero parang iba ang dating saakin.

"S-sa kama saan pa'ba ako mahuhulog. Hello?" asik ko at nag-exclamation point pa.

"Oo nga naman bro, sa kama siya nahulog, bigwasan kita ehh, kung ano-ano iniisip mo!" asik naman ni Kuya Yoseph sa kambal niya.

Siningkitan ko sila ng mata at may iba akong pakiramdam sa dalawang mo'kong na'to.

"What?" sabay nilang tanong.

"Hmmm, spill it. Alam ko'na yang style niyong yan. Kunwari may pakialam kayo tapos mang-aasar din." pagkasabi kong yun ay mabilis silang tumingin sa kawalan.

"Ano na? Baka gusto niyong batuhin ko kayo dyan?" inambahan ko sila ng unan kaya wala silang nagawa kundi lumapit saakin.

"K payn! What's your relationship between you and Raven?" sabay at straight-forward nilang tanong saakin at nabigla naman ako.

"What? Anong relationshit yang pinagsasabi niyo?" asik ko.

"Don't you dare lie to us Daniela!"

Natuod naman ako dahil seryoso talaga ang aura nila at hindi ko maintindihan kung anong gusto nilang iparating? Ano bang dapat kong sabihin sakanila? Na may relasyon kami ni Raven? Eh sa wala nga ehh.

"What?"

"Anong relasyon niyo ni Raven?" tanong ni Kuya Joseph.

"Anong relasyon ba'yang pinagsasabi niyo? There's nothing between us, wala kaming relasyon. Ano ba!" asik ko atsaka ko sila inirapan.

"Really? So how can you explained this?"

May kung anong pinindot si Kuya Yoseph sa phone niya atsaka pinakita saakin ang video, video kung saan naganap ang kunwaring kasalan namin ni Raven. Napalaki ako ng mata sa huling part ng video.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon