06 /The King/

24.5K 975 185
                                    


Daniela's POV

Nagpupuyos akong dumiretso sa CR at hindi alintana ang mga tinginan nila saakin. Sige lang, magsawa kayo kakatingin saakin at sa mga walang kwenta niyong mga buhay!

"Ayy shit!"

Napamura ako dahil sa CR ng lalaki pala ako pumasok at dali-dali namang nag-react yung mga lalaking umiihi, nagulat sila at ganoon din ako kaya mabilis akong umalis don at dumiretso sa CR ng babae.

'Kahiya!'

Paano na'to? Wala naman akong extra palda na pamalit at hindi naman ako pwedeng pumasok sa mga subjects ko at magpagala-gala na may tagos kuno? Peste kasing mga depungal yan, ang lakas ng trip sa buhay, kapag ako talaga nakahanap ng tyempo, makakaganti rin ako!

Todo punas ako sa palda kong may mantsa. Hindi ko alam kung ano 'to? Ketchup ba o pintura dahil ayaw maalis. Useless din at mas lalo lang kumakalat.

'Badtrip!'

"Miss okay ka lang?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita at nakatingin saakin at sa palda ko, hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman alam kung ako nga ba yung kausap niya? I don't even know her?

"Wala ka bang extra?" tanong niya ulit at taka akong napatingin sakanya atsaka ako kunot-noong tumango.

"Gusto mo pahiramin muna kita, may extra pad din ako." sabi niya mismo saakin kaya agad akong umangal.

"Ah hindi na, wala naman akong dalaw eh, napagtripan lang ako." sabi ko atsaka ulit pinunasan yung palda ko.

"Ganon ba? Sige pahiramin muna kita ng palda ko, wait lang." sabi niya atsaka umalis at naiwan naman akong nakatanga.

Ang bait naman ng babaeng yun at pahihiramin pa talaga niya ako ng palda niya. Hindi ko naman siya kilala pero bakit tinulungan niya ako.

'Bakit hindi ba siya pwedeng tumulong?'

Natawa ako sa naisip ko dahil kine-kwestiyon ko pa ang pagiging matulungin saakin no'ng babae. Agad din siyang bumalik dala ang isang palda at ibinigay saakin.

"Here, gamitin mo muna." sabi niya at nakangiting binigay saakin na agad ko din namang kinuha atsaka mabilis na nagpalit.

Kung naiirita na ako sa palda ko dahil medyo maiksi pero mas maiksi pa pala 'to. Hindi naman sobrang iksi na halos makitaan kana pero masyado na siyang mataas para sa above the knee.

'Demanding'

"Salamat ah, palitan ko nalang." sabi ko doon sa babaeng nagpahiram saakin ng palda.

"Ikaw bahala, anyway I'm Ricci Balbuena." pakilala niya at nakipagkamay saakin.

"Daniela Alvarez." sabi ko at nakipagkamay.

"Wait, how are you related to Alvarez Twins?"

"They're my elder brothers." sagot ko.

"Ah kaya pala you look like them."

Tumango naman ako sakanya, actually maganda siya at balingkinitan, may shoulder length hair. Sa isang tingin mo lang ay mapagkakamalan mo siyang maldita but no, tinulungan nga niya ako diba.

"Transferee ka right?" tumango ako. "So how was your day?" tanong niya.

"Actually hindi maganda." sagot ko na nakapagpakunot sa noo niya.

"What do you mean?"

"Hindi maganda ang naging treatment nila saakin, ang lakas ng trip nila." sagot ko na mas lalong nakapagpakunot sa noo niya.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon