32 /School Festival 2/

16K 701 77
                                    


Daniela's POV

"PUTANGINGA!"

Napamura nalang ako sa hindi ko malamang dahilan. Ang tanong bakit ganito ang tibok ng puso ko at parang may karera sa sobrang bilis ng pagtibok.

"Kalma lang Daniela, maganda ka parin!" pagpapakalma ko'sa sarili ko atsaka ilang beses na huminga ng malalim.

'Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!'

Shit ayaw talagang tumigil, sa pagkabalisa ko ay kinuha ko yung mga energy drinks sa lamesa at mabilisang nilaklak hanggang sa magsawa ako.

"Daniela okay ka lang?"

Napatingin ako sa taong nagsalita at nakita ko si Marcus na may hawak na towel.

"Ahh oo, okay lang ako. Sige ah labas muna ako!" sabi ko at mabilis na lumabas ng tent namin at naglakad kung saan-saan.

Feeling ko kasi maso-soffucate ako don kaya mas maganda nang umalis nalang at mag-enjoy, wala rin naman akong maitutulong don. Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng paa ko pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo dito may rooftop ng bagong building.

Nilanghap ko ang hangin na sumasampal saakin at malayang lumilipad ang buhok ko, ganitong feeling ang gustong-gusto kong maramdaman dahil nararamdaman ko talaga ang peace and silence sa katawan at paligid ko.

Sumampa ako sa may railings at ipinasok ang dalawang binti ko sa bakal para makaupo, safe naman siya at panatag ako doon, kung sakaling mahulog man ako ay pilay lang ang aabutin ko. Chos!

Nasa ganoon akong position ng may tumakip sa mata ko kaya nataranta ako, hindi ko alam ang hahawakan ko kung yung bakal ba para hindi ako mahulog o yung kamay ng taong tumatakip sa mata ko.

"Sino 'to?" tanong ko at pilit na inaalis ang kamay.

"Punyeta sino 'to?"

Napamura nalang ako dahil hindi naman sumasagot kung sino ba 'tong tao na'to. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa mata ko pero lumalaban kaya nahihirapan akong alisin dahil hindi ako komportable sa ayos ko.

Hanggang sa piniringan na niya ako at bahagyang hinila para makaalis ako sa pagkakasampa ko sa railings.

"Urgh! Kung sino ka man, siguraduhin mo lang na hindi kita makikita dahil lagot ka saakin!" asik ko at nagpupumiglas na pero mas nataranta ako dahil hindi lang isang tao ang humawak saakin kundi dalawa.

Mas nahirapan ako sa pagpupumiglas at wala akong nagawa kundi magpakaladkad habang nagmumura. Wala na akong pakialam kung anong isipin nila saakin dahil naiirita ako sa pinaggagawa nila saakin.

Hanggang sa nakarinig ako ng mga ingay at pagbukas ng bakal na pinto at sapilitan akong pinapasok sa loob habang may mga nagsisigawan. Puta! Mukhang alam ko'na kung bakit nila ginagawa 'to.

Hanggang sa narinig ko nalang ang pagsara ng bakal na pinto at doon ko lang din naalis yung piring saakin at hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko dahil inikulong nila ako sa isang selda na pakulo ng mga ibang sections nila.

"The hell with this Jail Booth!" sigaw ko sakanila pero pinagtawanan lang ako.

"Enjoooyyy!"

Napasipa nalang ako sa selda at nagmumura hanggang sa umalis na silang lahat. Ako naman gagawin ko dito?

"Stop that, wala ka'nang magagawa!"

Natatawang bulalas ng kung sino? Kilala ko kung kaninong boses yun at hindi ako nagkakamali.

"Marcus? Anong ginagawa mo dito?" hysterical ko ng makita ko si Marcus na nakaupo sa sahig habang natatawa.

"Obvious ba? Kinulong nila tayo." sabi niya pero inirapan ko lang siya atsaka ako tumabi sakanya at umupo din sa sahig.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon