66 /Odds/

12.1K 423 47
                                    


Daniela's POV

Napamulat ako ng mata at tumambad saakin ang isang madilim na kwarto. Hindi ko gaanong maaninag dahil malabo pa ang paningin ko. Umiling-iling ako atsaka ko iginala ang paningin ko.

Nasa isang madilim akong kwarto, walang kabuhay-buhay, sira-sirang dingding at bitak-bitak na mga pader, may nag-iisang kama din sa gilid na sira na, at isang bintana na basag ang salamin.

Doon ko nakita sila Ricci, Patricia at Yngrid na nakasubsob sa sahig at nakagapos gaya ko. Parte na yata ng buhay ko ang laging naki-kidnapped.

Hindi ko alam kung sinong may pakana neto at wala akong maalala na maling ginawa ko para ma-kidnapped ako ulit. Walang ibang nagtangkang mang-kidnapped saakin kundi si Raquim lang.

Unless siya ulit ang nagpa-kidnapped saakin? Impossible dahil natalo na siya ng grupo ni Raven at magmula noon hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko rin alam kung patay ba siya o buhay ba?

Pinilit kong tumayo kahit nahihilo ako dahil sa pesteng ini-spray saakin. Lumapit ako kila Ricci atsaka ko sila ginising, hindi ko lubos maisip na madadamay pa sila dito.

"Girls gising!" sabi ko at isa-isa ko silang niyuyugyog kahit nakagapos ang mga kamay ko.

Agad din naman silang dumilat at ganoon din ang naging reaction nila. Nahihilo, nanlalabo ang mata at higit sa lahat nagtataka at nalilito. Iginala nila ang mga paningin nila at bumalandra sa mukha nila ang takot, pangamba at lito.

"Where the hell am I?" asik ni Yngrid.

"Bakit tayo dinala dito ng mga mokong na'yon?" taka din na tanong ni Patricia.

"Is this kidnapped for ransom?" sabi naman ni Ricci.

"I don't know? Nalilito rin ako kung bakit nila tayo dinakip, pero iisa lang naiisip ko kung bakit nila tayo kinuha." sabi ko atsaka sila nagtatakang tumingin saakin.

"At ano naman yang naiisip mo?" taas kilay na tanong ni Yngrid.

"Sure akong isang grupo ng gangster ang mga dumakip saatin, gusto nilang alisin sa pwesto at pabagsakin sila Raven." sabi ko at kumunot naman ang mga noo nila.

"What do you mean Daniela?" tanong ni Patricia.

"Kilala ang grupo nila Raven dahil sila ang Rank 1 sa gangster world, maraming gustong magpatumba sakanila, sigurado akong alam nila na may namamagitan saatin ang Section E kaya nila tayo kinuha." sabi ko at napaisip naman sila.

"Kinuha nila tayo para maging pain ganon? Nang dahil lang sa malapit saatin ang Section E." sabi ni Ricci kaya tumango ako.

"At bakit naman nila gagawin saatin yun? Pwede naman nilang harapin sila Raven ng hindi tayo nadadamay, as if namang may kalaban-laban tayo. Arrgghh!" asik ni Yngrid at nanggagalaiting umanggil.

Kahit kailan talaga maldita ang babaitang 'to. Nasa ganitong sitwasyon na nga kami nakukuha pa niyang mag-maldita, kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay hindi ako mag-aaksaya ng oras para kausapin siya.

"Of course that'll be there advantage, iipitin nila ang kahinaan ng Section E at tayo yun, tayo ang pain para kumagat ang bitag at kapag nangyari yun, katapusan na siguro yon?" sabi ko at hindi sigurado sa huli kong sinabi.

"Like what the hell on earth is that, pwede naman nilang ibigay nalang ang pagiging Rank 1 nila para saatin, i literally can't believed na mas mahalaga pa ang rango nila kesa sa mga buhay natin!" nanggagalaiting bulalas ni Yngrid.

"Yes you have a point Yngrid, but that's a matter between pride and reputation." asik naman ni Ricci.

"So ano ganon-ganon nalang yon? Ano tayo mga hayop na pwedeng paglaruan nalang basta-basta. No way!" taas kilay niyang asik.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon