41 /Gang War/

15.1K 606 50
                                    


Marcus POV

Mabilis akong naglakad papasok sa loob ng kings Ground kung saan ang tambayan naming magkaka-grupo, sinaluduhan naman ako ng mga nakakasalubong kong mga underslings namin kaya tinatanguan ko nalang.

Kings Ground, isang tagong institution na pinamumugaran ng mga kapwa ko gangsters. Ang grupo ko ang nangunguna sa lahat ng mga gangs local man o international, ang Death Gang kung saan si Raven ang leader namin, I'm his sword hand at si Zero naman deputy sa aming grupo at yung iba naman ay representative na.

Maraming kumakalaban saamin na iba't-ibang gang pero hindi nila kami mapatalsik sa pwesto, lalong-lalo na ang Black Gang na siyang lagi naming nakakaaway, sila rin yung gang na sumugod sa HVIS kung saan target nila si Daniela.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na pumasok sa isang VIP room kung saan ang kwarto namin at nadatnan ko naman sila na may kanya-kanyang mundo pero isang tao lang ang gusto kong makausap.

Mabilis akong naglakad sa kinauupuan niyang swivel chair habang humihithit ng sigarilyo. Nakatalikod siya at nakatingin sa baba kung saan kasalukuyang naglalaban ang dalawang gangs sa baba.

"Raven!"

Humarap siya saakin atsaka tinapakan ang hinihithit niyang sigarilyo. Bored naman niya akong tinignan pero hindi ako natinag.

"Bakit?"

"May natanggap akong email galing sa isang anonymous gang." sagot ko pero hindi nagbago ang expression niya.

"So? Sigurado akong isa sa mga gang lang yan na gusto tayong patumbahin, dinadaan pa'sa pagtatago ng pangalan!" asik niya.

"Paano kung hindi?" angal ko.

"Marcus hindi ka'pa ba nasasanay? Laging ganyan ang set-up ng mga gangs na gusto tayong patumbahin, what's the big deal? Kung gusto nila tayong kalabanin edi bigyan natin ng leksyon, tapos!" pagtatapos niya kaya hindi nalang ako umangal kahit gustong-gusto ko.

Alam kong totoo lahat ng mga sinabi ni Raven, lagi may sumusubok na patumbahin kami pero wala namang nakakagawa, iba't-ibang tactics din ang ginagawa ng ibang gang para kumagat kami sa patibong nila pero hindi naman nila kami napapatumba.

Iba kasi ang nararamdaman ko at alam kong hindi maganda yon, umiling nalang ako at hindi nalang pinansin si Raven atsaka tumabi kila Zero.

"Sup bro! What's with the face?" tanong ni Zico habang nakipag-appear pa.

"Oo nga, seryoso mo yata?" asik naman ni Blake.

"May problema ba Marcus?" sabay din na tanong ni Dino at cloud.

"Wala naman mga pre, may kakaiba lang akong nararamdaman." sagot ko.

"Luh! Don't tell me aamin kang bading ka?" asik ni Zero kaya nasapok ko siya.

"Ulol hindi! What i mean is yung tungkol sa natanggap ko kaninang email."

"Huh? Anong email ba?" kunot noong tanong ni Kahlil.

"Isang anonymous email eh." sagot ko.

"Sus, baka death threats na naman? Hindi ka'pa sanay bro." sabi ni Ignacio.

"Oo nga, wala naman silang laban saatin at puro banta lang sila." bata namang sagot ni Cholo na nakandong pa kay Ace.

"Ewan ko'ba? Iba yung pakiramdam ko eh, alam kong banta lang ulit yun ng mga gang na gusto tayong kalabanin." sagot ko.

"Oh yun naman pala, eh ano pang inuungot-ungot mo dyan?" sarkastikong bulalas ni Thirdy.

"Ang drama mo bro, para kang timang!" asar din ni Philip.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon