16 /Riot/

18.9K 765 16
                                    


Daniela's POV

'Ako rin, naiirita sayo!'

'Ako rin, naiirita sayo!'

'Ako rin, naiirita sayo!'

Nagpaulit-ulit pa rin sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Raven, matapos ang makapigil hiningang scenario ay nagawa ko paring makagalaw at makaalis don sa kabila ng pagkakatuod ko.

'Pakinang shit!'

Mabilis akong pumasok sa CR at nagpalit ng P.E uniform, nasa kalagitnaan ako ng pagtatali ko ng buhok nang pumasok ang tatlong babae. Nagtatawanan sila.

'Ang aarte!'

"Haha yeah, they're so hot!"

"Nanggigigil ako sakanila!"

"Sayang lang at nasa worst section sila!"

Rinig kong tsismisan nila at sinabi ba nilang worst section? Kahit hindi naman specific ang pagkakasabi ay alam kong Section E ang pinag-uusapan nila.

'Worst daw eh!'

"But wait? Wala yata don yung nag-iisang babae?"

'Napataas ako ng kilay'

"Ah yung transferee? Malay ko don?"

"Alam mo girl, napapaisip ako kung bakit napunta siya sa Section E?"

"Me too, sa itsura niya mukha naman siyang maamo pero nasa loob pala ang kulo."

'Aba! Ang kakapal ng mukha para pag-tsismisan ako, hindi ba nila ako napapansin?'

"Sinabi mo pa, looks can be deceiving kaya, hindi na ako magtataka kung basagulera ang babaeng yun!"

"Yeah right, simpleng malandi rin daw yun."

Doon na ako naalarma, sino sila para lait-laitin ang pagkatao ko, huminga ako ng malalim, taas kilay atsaka ko sila hinarap.

"Hoy mga babaeng tsismosa!" sigaw ko sakanila at gulat naman silang napatingin saakin, "Kung makapag-salita kayo tungkol sa pagkatao ko ay daig niyo pa ang walang pinag-aralan, pwes para sabihin ko sainyo ay wala kayong karapatan para husgahan ako, kung tutuusin kayo ang mga walang kwenta! Mga impaktita, letse!"

Sigaw ko sakanila atsaka ko sila binangga isa-isa, naiwan naman silang nakanganga at hindi nakapagsalita.

Kunot-noo akong dumiretso sa gym at nakita ko naman yung ibang section na naglalaro ng basketball at yung mga depungal naman ay naglalaro ng outdoor games.

'Nawalan na ako ng gana!'

Padabog akong umupo sa bleachers habang kunot noo pa rin, na-badtrip ako sa mga babaeng yun, nasira tuloy ang araw ko. Peste kasi!

'Gusto kong manapak!'

"Hoy ulo!"

Sigaw ng kung sino at huli na para lingunin ko dahil tumama na sa ulo ko yung bola ng basketball. Sa mukha ko tumama yung bola kaya expected na masakit, ilang minuto pa akong napaupo dahil sa hilo.

"Ate Danny! Okay ka lang?" tanong ni Cholo ng makalapit saakin at sinipat ang kabuuan ko.

Hindi ko siya sinagot at hinarap kung sinumang gago ang nakabato saakin. Sinamaan ko ng tingin yung mga lalaking naglalaro ng basketball.

"Sinong bumato saakin!?" sigaw ko.

Nagkatinginan sila at bigla nalang nagtawanan kahit wala namang nakakatawa! K*ngina! Ayoko sa lahat ay yung pinagtri-tripan ako.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon