45 /Hoax/

13.5K 554 30
                                    


Daniela's POV

Napadilat ako ng mata at hindi ako makaaninag ng maayos dahil madilim at malabo ang paningin ko. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang sira-sirang gusali at mga nagkalat na mga kahoy, yero at mga bakal.

Sinubukan kong tumayo pero nakagapos ang kamay at paa ko. Doon ko na-realized ang nangyari saamin ni Cholo.

'We've been abducted'

Naalala ko lahat mula sa pagtangay saamin ng mga lalaking nakaitim kanina. Wait? Sila ba yung mga gangster na humabol saakin dati. At bakit kami tinangay? Anong rason?

"Arrrggghhh!"

Hindi ako makasigaw dahil may busal ang bibig ko at hirap din ako sa paggalaw dahil nga nakagapos ako sa isang bakal na tubo. Nahagip ng mata ko si Cholo na nasa gilid ko at wala pading malay at gapos na gapos din.

'Damn it!'

Sa oras na makawala ako dito lagot sila saakin. Hindi ko alam ang rason nila kung bakit nila 'to ginagawa, o baka naman isang concept lang 'to ng pangingidnap at hihingi ng ransom?

Akala ko'sa palabas lang nangyayari ang ganito? Hindi ko alam na pwede pala sa totoong buhay.

"Arrrgghhh!"

Gumawa ako ng ingay sa pamamagitan ng kadenang nakagapos saakin atsaka ko kinalampag sa tubo para magising ang diwa ni Cholo, hindi naman ako nahirapan at dahan-dahan naman siyang dumilat at latang-latang tumayo.

Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko mabasa ang itsura niya. Galit, sakit at higit sa lahat gutom ang bumalandra sa mukha niya.

Pero maling kilos yata ang ginawa ko dahil hindi lang si Cholo ang nagising ko ang atensyon, pati narin yung mga gangster na tumangay saamin. Bumukas ang bakal na pintuan at iniluwa nito ang isang lalaking nakaitim.

Ang dilim na nga itim pa ang trip nilang kulay, pero mas okay na yun dahil bagay sakanila ang itim dahil sa masasama nilang ugali. Mga peste kayo!

"Buti naman at gising na kayo?" asik no'ng lalaki atsaka umupo sa harap ko.

Kung hindi lang nakabusal ang bibig ko sigurado akong barado siya. Seriously? Hindi pa ba obvious. Mukhang tanga!

Mabilis kong iniwas ang mukha ko ng tangkain niya akong hawakan. Sinamaan ko siya ng tingin at parang pipi ko siyang pinagmumura dahil sa pesteng busal na'to.

"Oh? Did i scare you Princess?" asik niya atsaka mabilis na inalis yung pagkakabusal saakin.

'Thanks God!'

"Princess your fúcking face!" mura ko pero natawa siya.

"Oh i like that. I didn't know your that wild Princess." asik niya habang pilit na hinahawakan ang mukha ko pero pilit ko namang iniiwas.

"Shut the fúck up! I'm not a Princess!"

Sinigawan ko siya at nakakuha ako ng pagkakataon para kagatin ang hintuturo niya. Dumaing naman siya.

"Shit! Fúck you!"

*PAAAKKK!*

Isang malakas na sampal ang natamo ko sakanya at halos mabali naman ang leeg ko, nagulat din ako sa pagsampal niya kaya mas lalo akong kinabahan. Ngayon ko napatunayan na wala talagang sinasanto ang mga gangsters na katulad niya.

"Di-d yo-u just s-lap me?" utal kong bulalas sa pesteng lalaki na'to.

Ramdam ko din ang hapdi at nalasan ko din ang dugo sa labi ko. Kahit takot ako ay nilabanan ko ang nanlilisik niyang mga mata.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon