57 /Comeback/

11.7K 412 75
                                    


Third Person's POV

Mabilis na umalis si Daniela sa CR at naiwan naman si Yngrid kung saan niya kinompronta si Daniela. Hanggang ngayon hindi parin humuhupa ang away nilang dalawa, para silang tubig at langis na hindi pwedeng pagsamahin.

Matapos umalis ni Daniela ay siya namang ngitngit ni Yngrid kung saan may masama siyang balak upang gantihan si Daniela. Who is she anyway? Siya lang naman ang nag-iisang queen ng school nila kung saan gagawin niya ang lahat para lang maalis sa paningin niya ang lahat ng sagabal sa buhay niya.

"Namnamin mo na ang huling masasayang araw mo Daniela dahil sisiguraduhin kong iiyak ka'sa harap ko." sabi niya at lumabas ng CR habang may ngiting nakakasindak.

Mabilis na inilabas ni Yngrid ang phone niya at mabilis na nag-dial at ilang segundo lang ng sagutin ang tawag niya.

"Hello? Tapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo? Good, sabihin mo makikipagkita ako sakanya ngayon. Bye!"

Napangisi siya at mabilis na naglakad palabas ng school nila at sumakay sa sasakyan papunta sa kalapit na coffee shop upang kitain ang taong gusto niyang makausap.

Mabilis din siyang nakarating sa coffee shop at ilang minuto pa ang hinintay niya ng dumating na ang taong gusto niyang makita at makausap. Napangisi ulit siya at hindi maitago ang masamang balak.

"Nice to meet you again. It's been awhile." maarteng asik ni Yngrid.

"Yeah. What do you want from me?" tanong ng taong kausap niya.

"Well the thing is, i need you to do me a favor." asik ni Yngrid at napangiti naman ng mapait ang kausap niya.

"Tssk! Why the hell am i doing you a favor?" asik naman ng kausap niya.

"Hmm. Madali lang naman ang gagawin mo. Just do what i said." asik ni Yngrid.

"No! I'm not doing you a favor. We're done talking!" sabi ng kausap niya at mabilis na tumayo pero agad din siyang pinigilan ni Yngrid.

"Balita ko nasa hospital daw ang nanay mo? Hmm, ano kayang mangyayari kung tawagan ko si Dad?" banta niya.

Hindi naman maisawang mapangitngit ng kausap niya dahil tinitira ni Yngrid ang kahinaan ng taong gusto niyang mapasunod. Muling bumalik sa pagkakaupo yung kausap niya at mas sumilay ang ngiti sa labi ni Yngrid.

"So you really know how to manipulate people huh? You're targeting my weakest point." sabi ng kausap niya.

"That's life how it's work. Just do me a favor and I'll help you. Give and take." sabi ni Yngrid at napaisip naman ang kausap niya. Ilang minuto pang napatahimik ang kausap niya at nagda-dalawang isip kung kakagatin ba niya ang pain ni Yngrid.

"What favor?"

Mabilis namang ipinaliwanag ni Yngrid ang plano niya sa kausap niya at tiyak na tiyak na siyang nasa kanya ang huling halaklak.

"So it's settled then. There's no turning back and once you do. You're dead!" banta ni Yngrid at natawa.

--

Daniela's POV

It's been a while since Raven and I are dating. Yes we we're dating. Nagsimula yun nang dalhin niya ako sa isang burol at tinanong niya ako kung gusto ko bang ligawan niya ako. I was out minded that time so i just said yes without thinking.

Hindi naman ako nagsisi dahil nakikita ko naman ang pagbabago ni Raven. Hindi lang sa gawa kundi sa mga kinikilos niya. Naging palangiti din siya at hindi rin makapaniwala ang mga depungal dahil sa nalamang balita.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon