12 /Group/

21.6K 845 103
                                    


Daniela's POV

Hindi ko alam kung paano akong nakauwi sa bahay at ngayon nakahilata sa kama at pilit sinasagot ang mga tanong na tumatakbo sa utak ko na hindi ko naman alam ang sagot?

Gaya nalang no'ng away namin ni Yngrid dahil sa kadahilanang banned ang Section E sa cafeteria, ang tanong, bakit bawal? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga estudyante ng HVIS at may ganoon pang rules na siyang ikina-detention ko.

'Peste!'

--

Mabilis akong bumaba ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag-almusal at as usual nandoon na sila Kuya, at as usual ulit wala na naman si Mommy. Mas pabor pa nga yun saakin dahil mabungangaan na naman niya ako ng wala sa oras dahil sa kagagawan ko na naman.

Agad akong umupo at napatingin kay Kuya Joseph ng maalala ko yung pakiusap ko sakanya, nagkatinginan kami at tumango lang siya saakin. Nakahinga ako ng maayos at mukhang napagtakpan niya ako.

'Mabait na kapatid'

"Balita ko napaaway ka'na naman kahapon?" biglang tanong ni Kuya Yoseph at nasamid ako.

'Lagot, baka isumbong ako?'

"Ah eh parang ganon na nga, hehe!" sabi ko at nag-peace sign. Wala kasi siya kahapon kaya hindi niya nakita kung ano talagang nangyari?

"Anong parang, ganon talaga! Ikaw Danny, hindi ka'na nagtino!" bulyaw niya saakin na agad namang inawat ni Kuya Joseph.

"Hayaan muna, hindi naman niya alam yung rule." asik ni Kuya Joseph.

"Sabi na nga ba eh, walang pakialam sayo yung mga kaklase mo kaya wala kang alam sa rule na yan!" bulyaw ulit niya at tumalsik pa yung kanin mula sa bibig niya.

'Kadiri!'

"Wala naman kasing nagsabi saakin." sagot ko.

"Kasi nga wala silang pakialam sayo!" bulyaw ulit niya at sa pagkakataong yun ay nakakuha siya ng malakas na batok sa kambal niya.

"ARAY! Bakit mo'ko binatukan?" angal niya sa kambal niya.

"Huwag kang OA, naparusahan na siya kaya tumigil ka kakabulyaw!" bulyaw din ni Kuya Joseph.

"Eh bakit ikaw?" tanong ni Kuya Yoseph.

"Kasi gusto ko!" bulyaw ulit ni Kuya Joseph.

'Mga sira-ulo talaga!'

"Pwede ba nasa harap tayo ng hapag, respeto naman." sabi ko at natigil silang dalawa sa pagbulyawan.

"Sorry, nadala lang."

Napabuntong hininga nalang ako atsaka ulit nagtuloy sa pagkain. Ganon din sila at hindi na nagkibuan pa. Ilang minuto pa atsaka kami nag-ayos.

"Hindi ulit ako sasabay sainyo." sabi ko.

"At bakit na naman?" tanong ni Kuya Yoseph.

"Para exercise na rin!" sagot ko.

"Yun lang ba talaga?" paniniguro ni Kuya Joseph.

"Oo nga, kung ano-ano na naman iniisip niyo." sabi ko at inambahan sila ng sapak.

"Sige, kita nalang tayo sa school mamayang lunch." sabi ni Kuya Joseph.

"Huh? Diba bawal nga Section E sa cafeteria." asik ko.

"Hahatiran ka namin ng lunch, abangan mo nalang kami." sagot ni Kuya Yoseph sa tanong ko at tumango-tango nalang ako atsaka sila mabilis na umalis.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon