Random Facts

14.6K 468 15
                                    


Hello guys! This is not an update 😂

Napag-isipan kong gumawa ng mga facts about sa story kong ito para naman maiba, kumbaga parang trivia lang ganon. May pa-trivia si author pero hayaan niyo na trip ko ehh. So i made a random list about my story.

1.) Paano nagsimula ang story mo?

-Actually nagsimula ang story kong ito nang mabasa ko ang Ang Mutya Ng Section E ni Ms. Lara or ni eatmore2behappy at sobra akong na-hook sa story niya at ginawan ko ng saakin.

2.) Kung nainspired ka sa AMNSE, meron bang pagkakapareho sa ginawa mong storya?

-MOST. Hahaha pero totoo dahil inspired nga at hindi maiiwasang may pagkakapareho sa original story kaya pilit kong binago.

3.) Kung ganon, paano mo binago ang storya?

-Wow ha, well actually sidestory sana ito ni Keigan na kapatid ni Keifer pero sinabi saakin ng admin ng Facebook page ng AMNSE na gawan ko nalang ng ibang characters ang story ko dahil baka maka-affect sa side ni Keigan dahil hindi ko naman alam na gagawan pala ni Ms. Lara ng sariling storya si Keigan.

May mga drafts na ako na si Keigan talaga ang main character pero binago ko'na at ginawang Raven kaya ganon, ayoko namang mabash at sabihang nag-plagiarize ako...

4.) Anong ways ang ginawa mo para ma-encourage ang mga wattpaders na basahin ang story mo?

-Well lahat ginawa ko'na mula sa pagpro-promote sa mga social medias at ni-recommend ko'na din sa mga ibang friends ko para basahin naman nila.

Thankful ako dahil active naman siya at patuloy na dumadami ang reads at followers ko (kahit mabagal ako mag-UD)

5.) Anong oras ka kadalasan nagU-UD?

-Sabi ko ng mabagal akong mag-update dahil may sakit akong katamaran at kapag sinumpong lang ako atsaka doon lang talaga ako maga-UD.

6.) Usually anong oras ka nagsusulat/nagtatype/nag-iisip para sa flow ng story mo?

-Actually kahit anong oras talaga basta sinipag ako at kapag sinipag ako ay tuloy-tuloy na yon at minsan nakakadalawa akong update kapag tinamaan ako ng sipag.

7.) So kailan ka nga ulit maga-UD? Kinukulit kana ng mga readers mo!

-Aba galit? Basta kapag sinipag ulit ako kahit tinatamad dahil malapit na ang pasukan namin at sure akong mas mawawalan ako ng gana dahil kaliwa't-kanan na naman ang research.

8.) Anong masasabi mo sa nagmamahal at sumusuporta sa story mo?

-Ang masasabi ko lang ay maraming salamat dahil minahal, minahahal, at mamahalin niyo ang story ko kahit na ang bagal kong maga-UD and yet nandyan parin kayo at naghihintay para lang mag-UD ako.

Hindi ko'na kayo iisahin lahat dahil kilala niyo naman na ang sarili niyo at stay positive and cool nalang tayo at be patience nalang haha!

9.) Eh ano namang masasabi mo sa nangba-bash sayo?

-Well wala akong pakialam sakanila, chos! Hindi naman ako nagagalit sakanila dahil sa pangba-bash nila sa story ko because I'll take that as a critique para mas ma-enchanced pa ang kakayahan ko sa pagsusulat dito sa mundo ng wattpad.

10.) Nakakapagod pala magtanong, sige last na. Anong payo mo sa mga inspiring writer dito sa mundo ng wattpad?

-Hahaha sino ba kasing nagsabi na magtanong ka? Djk lang. Ahm ang masasabi ko lang ay just be yourself as a writer and just ignore the people who is trying to take you down. Naks! English yun ah, pero totoo hayaan mo silang ibash ka dahil napupuna nila ang talento mo sa pagsusulat dahil insecure sila.

Always remember na ang talent mo sa pagsusulat ay binigay ni god kaya sulat lang ng sulat kahit nakakatamad hahaha. Pero dadating din sa punto na lahat ng storya mo ay sisikat at ang mga dati mong basher ay ngayon mga fans mo na.

Aaminin kong mahirap mangalap ng followers, hindi naman pwedeng utusan mo nalang silang i-follow ka at mahirap din magpadami ng reads ng story mo, kahit ako ganon din ehh. Just be patience and continue writing dadating din tayo sa puntong sisikat din kagaya ng ibang sikat na authors dito sa wattpad.

Hindi pa ngayon pero someday makikita nalang natin ang mga sinulat nating libro at nagkalat sa mga national bookstores dito sa pilipinas, huwag lang lalaki ang ulo at wag mambash ng kapwa author. Yun lang salamat.

So yun nga ang mga random questions na ginawa ko at kahit hindi niyo naman talaga tinatanong ay sinagot ko parin. Gulo ba? Bahala kayo hahaha, tanong nalang kayo kung anong gusto niyong itanong saakin.

Salamat 😁😁😁

~~
Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon