07 /Bully/

23.7K 942 139
                                    


Daniela's POV

'Raven McKnight'

'Raven McKnight'

'Raven McKnight'

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi saakin ni Ricci. Hindi ko inaakalang ang mayabang at aroganteng kinaiinisan ko sa lahat ay siya palang leader at King ng Section E.

Dapat na ba akong mabahala dahil sa mga kapalastanganang ginawa ko sakanya? Sa yabang no'ng tao imposibleng mapansin pa niya ako. Sa tingin ko naman wala siyang pakialam saakin dahil na rin sa ugali at kilos niya, even though i don't know him that much.

'Bahala na si Batman!'

Huminga akong malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ng room at hindi alintana ang mga pinagsasabi saakin ni Ricci, nagtuloy-tuloy ako sa upuan ko. Hindi sa tabi ni Raven kundi don sa gitna kung saan ako lang ang nakaupo dahil nasa gilid at likod silang lahat nakaupo.

Ramdam kong tinitignan nila ako pero hindi ko sila pinansin at mas lalo na si Raven. Hindi naman sa natatakot ako pero ayoko ng gulo at ayokong mas magalit saakin si Mommy. Nangako nga ako diba. We're not in good terms kasi.

Nagsalpak nalang ako ng headsets at nakinig ng music, may 30 minutes break pa kami bago ang next class namin. Which is i hate dahil feeling ko anumang oras may gawin na naman silang hindi maganda saakin.

'Kapapalit ko pa man din'

Nasa ganoon akong posisyon ng may lalaking umupo sa tabi ko at hinablot ang isa sa headsets ko.

"Hi!" bati niya.

Sinamaan ko siya ng tingin atsaka ko ibinalik yung headset sa tenga ko. Siya yung lalaking may itim na hikaw.

'Yung bumato saakin ng bote ng yakult'

"Ay snob?" rinig kong sabi niya pero hindi ko parin siya pinansin. Bahala siya.

Patuloy lang siya sa pangungulit saakin at todo no pansin ang peg ko dahil naiinis ako sakanya. Sa lahat, binadtrip nila ako.

"Ano ba!" bulyaw ko sakanya ng mainis na ako sa pinaggagawa niya saakin. Sundot-sundutin ka ba naman sa tagiliran.

"Taray mo naman, ako na nga 'tong nakikipag-usap tapos i-snob mo lang ako." sabi niya at nagtawanan naman ang mga depungal na nakatingin sa gawi namin.

"Bakit close ba tayo para kausapin kita!?". pagtataray ko.

"Hindi, kaya nga kinausap eh!" angal niya.

'Aba pilosopo!'

"Hoy Zero, huwag mo ng pansinin yan, nagsasayang ka lang ng oras!" sigaw ng kung sino at mabilis kong hinanap kung sino yun at nakita ko yung lalaking nakatayo sa may pintuan.

"Okay lang, pampalipas oras diba Danny?" tanong no'ng Zero daw ang pangalan.

"Huwag mo nga akong tawaging Danny, hindi naman tayo close." taas kilay kong sabi.

"Ah so gusto mo open tayo." sagot niya atsaka ulit sila nagtawanan.

'The nerve of this guy!'

"Zero, hayaan mo na baka magsumbong sa boyfriend!" sigaw ni Zico. Yung mukhang playboy.

"Weh? Sa itsura mong yan may boyfriend ka?" hindi makapaniwalang tanong niya at doon ako na-offend.

"So you're saying that I'm ugly, ang tigas naman ng mukha mo!" sigaw ko kay Zero pero natawa lang siya. Kainis!

"Hahaha! Itong mukhang 'to matigas, sa gwapo kong 'to baka mainlove ka?" sabi niya at nag-pogi pose pa sa harap ko.

In fairness gwapo siya at may killer smile, major turn off nga lang dahil sa ugali niya. Sayang 'to!

"Che! Hindi lang pala matigas yang mukha mo, mahangin ka pa!" tinulak ko siya para lumayo saakin. Nag-react naman ang mga depungal.

"Pakipot ka pa eh!" sigaw ng kung sino.

"Pakipot? Hoy kahit ikaw pa ang nag-iisang lalaki sa mundo hindi kita papatulan, maligo ka muna para naman bumango yang umaalingasaw mong ugali!" sigaw ko at doon siya natigilan at kumunot noo at matalim akong tinitigan.

"Kung makapagsalita ka parang sobrang ganda mo eh pangit din naman ng ugali mo!" sigaw din niya saakin at natigilan pero hindi ko pinahalata.

"What's happening here?"

Sabay kaming napatingin ni Zero sa lalaking nagsalita at nakita ko si Raven na masamang nagpalipat-lipat ng tingin saaming dalawa ni Zero.

"Eto kasing babaeng 'to, ang arte-arte ako na nga nakikipag-kaibigan ayaw pa." paliwanag ni Zero atsaka ako dinuro.

"Hindi ako maarte, mayabang ka lang!" angal ko.

"Ang sabihin mo maarte ka!"

"Aminin mo ng mayabang ka!"

"ENOUGH!"

Napatigil kami sa sigawan namin ni Zero dahil sa malakas na sigaw ni Raven atsaka niya sinipa yung upuan. Masama niya kaming tinitigan at saakin.

"Pwede ba tumigil kayong dalawa, ang ingay niyo, baka gusto niyong putulan ko kayo ng dila para tuluyan na kayong hindi makapag-salita?!" sigaw ulit niya saamin.

'Dapat na ba akong matakot?'

"Ikaw!" biglang duro niya saakin.

"B-bakit?" tanong ko.

"Pwede ba huwag kang maarte dahil bago ka lang dito, makisama ka kung ayaw mong masaktan!"

Nagpupuyos siya sa galit at hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita, eto na ba yung Raven na sinasabi nila. Yung Raven na kinatatakutan ng lahat? Dahil kahit ako nakaramdam ng konting-konting takot.

'Slight lang'

"Hindi ako maarte, masama lang talaga ang mga pag-uugali niyo." in a span of moment ay nasabi ko ang mga salitang gusto kong sabihin.

"What did you say?"

"Ang sabi ko masama ang mga ugali niyo!" ulit ko sa sinabi ko pero bored lang niya akong tinignan.

"You don't know us, at wala kang karapatang pagsabihan kami ng mga wala namang patunay." nangggalaiti niyang sabi.

"Same here, hindi niyo alam ang ugali ko pero kung makapagsalita kayo parang kilalang-kilala niyo na ako." matapang kong sagot at medyo natigilan sila.

"Talaga ba?" bored ulit niyang sabi.

Hindi ko alam kung galit ba siya o nang-iinis sa tono ng pananalita niya. Kanina lang halos magpuyos siya sa galit tapos ngayon parang walang pakialam.

'Bipolar Amp!'

"Sira-ulo ka!" tanging nasabi ko pero parang wala lang sakanya.

'Kita niyo na?'

"Kung ayaw mong mahusgahan dapat makisama ka, tutal ayaw mo namang umalis sa Section na'to, pwes magtiis ka!" sabi niya atsaka ako sinamaan ng tingin at kay Zero.

Umalis na siya atsaka dumiretso sa upuan niya. Nagsiupuan na rin yung mga depungal at inirapan muna ako ni Zero bago siya umupo sa upuan niya. Naupo nalang din ako sa upuan ko at saktong dating naman ng teacher namin.

Nagtaka pa siya kung bakit parang may tensyon na namamagitan saamin pero mas pinili nalang niyang magturo. Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari, ang pangbu-bully saakin ni Zero at ng mga depungal kong kaklase, at si Raven na halos patayin ka sa sama at bored niyang tingin.

Naglakbay ang isip ko sa mga bagay na pwedeng mangyari kapag nagtagal pa ako dito pero mas nanaig na wala naman dapat akong ikabahala? Nalilito ako.

Tama naman ang mga sinabi ni Raven dahil bago lang ako dito pero ang yabang na ng dating ko. Ganon din naman sila ah, ang lakas ng trip sa mga buhay. Sabagay kilala naman sila bilang worst section at hindi na ako magtataka kung wala lang sakanila ang mambuyo. Itinuon ko nalang ang sarili ko sa teacher namin at hindi na nag-isip pa.

~~
Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon