68 /Forgive & Forget/

11.9K 424 34
                                    


Daniela's POV

Mabilis kaming tumakbo ni Patricia at pasikot-sikot kung saan. Mas lalo kaming naliligaw ng daan dahil may mga nakakasalubong kaming mga kalaban at kailangan naming umatras para hindi nila kami makita.

Ngayon nagtatago kami dito sa isang storage room dahil may mga nakaharang na mga gangster sa daananan namin. Sabay kaming napabuntong hininga at walang magawa kundi maghintay nalang, umaasa din kaming may tutulong saamin sa pamamagitan nila Ricci at Yngrid.

Napaupo nalang kaming dalawa at walang nagsasalita, para ba kaming napipi sa lahat ng nangyari saamin ngayon. Napatingin ako sa kamay kong may hawak na pistol, sugat-sugat na yung palad ko at namumula.

Gusot-gusot na rin ang suot kong uniform, may sugat sa labi at nananakit ang buo kong katawan dahil sa biglaan kong paggalaw-galaw at pakikipaglaban, mistulang nagahasa ako sa itsura ko.

Ganon din ang itsura ni Patricia, gusot-gusot ang damit, may sugat din sa iba't-ibang parte ng katawan, at mistulang nagahasa din. I've never thought to myself that i would be here in this kind of situation, fighting for myself.

'What am I actually fighting for?'

Hindi ko alam kung para saan pa 'tong ginagawa ko? Iba-iba ang pinaglalaban natin sa buhay, yung iba lumalaban para sa mga bagay na gusto nila, yung iba lumalaban para sa sarili, at yung iba lumalaban para sa kapakanan ng iba. Nabubuhay tayo hindi para bumitaw at bumigay kundi para matuto at lumaban.

Wala akong ibang naiisip ngayon kundi matapos na ang lahat ng ito. Sa 18 years kong nabubuhay ay may natutunan ako sa mga pagkakamali ko, na dapat itama ko yung pagkakamali ko at doon pa ako natutong maging makatao.

Sabi nga nila learn from your mistakes and be the best version of yourself at yun ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Sinabi ko sa sarili ko na gusto kong magbago at isa yun sa mga gusto kong mangyari.

'I want to change to make myself better'

Napatingin ako kay Patricia na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko at malalim din ang iniisip. Para bang nag-flashback lahat saakin yung mga pangit na nangyari sa pagitan naming dalawa.

Napatingin siya saakin at kitang-kita ang mga mata niyang nagsusumamo.

"Sorry..."

Hindi ko inaasahang sabay kaming hihingi ng sorry sa isa't-isa. Natahimik ulit kaming dalawa at walang gustong mag-open up, parang gusto kong pasalamatan ang tadhana dahil ito pa ang naging dahilan para matuto ako-kami sa mga pagkakamali namin.

"Sorry Daniela. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga maling ginawa ko sayo, hindi ko naman gustong gawin sayo yung mga yon kung hindi dahil kay Yngrid." sabi niya at napaawang ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa lahat ng bagay at sitwasyon laging damay si Yngrid. Hindi ako umimik dahil ayokong sirain yung moment niya.

"Yes at first i really hated you dahil ikaw na yung gusto ni Raven kaya nagpadala ako sa mga gusto ni Yngrid, atsaka ko lang na-realized na mali pala ang mga ginagawa ko sayo dahil mas masakit yung nararamdaman mo kumpara saakin.

You feel pained, betrayed and to be torn by the people you loved, while me i left Raven and choose my Mom who've been suffering from an illness. Wala na akong pakialam kung anong isipin mo saakin o kamuhian mo man ako, it's okay because i deserved it, i just really want to say that I'm sorry for the bad things I've done to you before it's to late..."

Mahabang litanya ni Patricia habang umiiyak. Ramdam ko yung sinseridad sa mga sinasabi niya at hindi ko maiwasang mamangha sakanya dahil nagpaka-totoo siya sa sarili niya. Sino ba naman ako para balewalain yun.

"No it's okay Patricia. Pinapatawad na kita, kalimutan na natin yung nakaraan. Atleast now we forgive each other and let's forget that past and try to focus on the present, learning from our mistakes makes us smarter, but learning from other's mistakes will make us wiser. Let's forgive and forget."

Naiiyak ko ding litanya atsaka kami nagyakapang dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na nagkapatawaran na kaming dalawa at sana ganoon din sa iba.

Mabilis kaming tumayo at sabay kaming lumabas ng storage room at hinarap yung mga gangster. I feel motivated kaya mas ginanahan akong lumaban. Mabilis kong sinipa yung isa at tinuhod naman ni Patrcia yung sumugod sakanya.

"Hahaha!" sabay kaming natawa sa walang dahilan.

Ang sarap sa feeling na kahit na nasa ganito kaming sitwasyon ay nakukuha parin naming tumawa. Umiling nalang ako atsaka kami tumakbo at lumiko sa may kanan at may nakabunggo kami.

Mabilis kaming naalarama ni Patricia kaya agad naming sinugod yung lalaki pero napatigil din kami dahil si Raven pala yung nakabunggo namin.

"Raven!" asik ko at mabilis ko siyang niyakap.

Nagulat siya sa biglaan kong pagyakap pero wala na akong pakilam. Ayoko ng magpaka-hard to get, ayoko ng maging matigas, ayoko na ulit mawala sa tabi ko yung taong mahal ko.

Niyakap niya ako pabalik at ramdam ko ang pag-aalala niya sa higpit ng yakap niya saakin. Napabitaw siya ng yakap at napatingin kay Patricia, nagkatinginan sila atsaka tumango sa isa't-isa.

Wala naman akong ibang naramdaman dahil feeling ko wala ng namamagitan sa kanilang dalawa, kundi purong pagka-kaibigan nalang. Napangiti ako dahil magkaayos na rin silang dalawa.

"Let's keep forward, kailangan na nating makaalis dito." sabi ni Raven kaya tumango nalang kami ni Patricia.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa may nakita kaming pintuan sa harap, hindi kami sigurado kung anong nasa loob pero wala na kaming oras para mag-isip pa. Tuluyan na kaming nakapasok sa loob at tumambad saamin ang isang open area.

Hindi gaanong madilim sa loob dahil pumapasok ang sinag ng araw sa butas ng mga bintana at bubong ng factory. May mga kagamitan din sa loob at sira-sira na. Umatras kami papunta sa may pintuan pero bigla nalang sumarado at hindi na mabuksan.

"Shit we're trap!" asik ni Patricia habang pilit na binubuksan yung pintuan.

"Damn it!" mura ni Raven at napasipa sa mga sirang gamit sa gilid.

"Kalma, we'll find a way to get the hell out of here." sabi ko at iginala ang paningin ko at naghanap ng posibilidad na pwede naming daanan palabas.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may biglang pumalakpak kung saan at kasabay noon ang malakas na pagtawa ng isang lalaki. Lumabas ang lalaki sa may taas ng balkonahe at gulat akong makita si Raquim na nakangisi sa gawi namin atsaka ulit siya pumalakpak at kasabay noon ang paglabas ng mga tauhan niya sa gilid namin atsaka kami pinalibutan.

"LONG TIME NO SEE MY FRIENDS!!!"

~~
Eyow guys! Sorry sa matagal na update. Bwahaha! Naisipan kong mag-update ngayon dahil sinipag ako. LOL anyways sorry if maikli lang 'tong chapter na'to, hini'light ko nalang kasi yung mga pagpapatawaran nila, tutal independence day naman ngayon kaya kailangan na nilang lumaya sa mga galit at pagkakamali nila. Hehe!

2 chapters nalang at tapos na'to. Enough with the talks, see'yah in the chapter. Climax na kaya I'll give my very best to satify you guys. Sana naintindihan niyo yung english ko hakhak. Trying hard si ako eh.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon