21 /Music Hall/

18.9K 834 119
                                    


Marcus POV

Maaga akong pumasok at kasalukuyang naglalakad sa hallway, hindi nakaligtas ang mga masasamang tingin na ibinabato nila saakin. Sa totoo lang wala akong pakialam.

Nag-ingay naman yung mga babaeng nakakasalubong ko at yung mga lalaki naman halos patayin ako sa sama ng tingin. Pakyu mga brad! Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay nakita ko siya papasok sa klase niya, nagkatinginan kami pero agad din siyang umiwas.

Hindi ko nalang yun pinansin at nagtuloy sa paglalakad papuntang classroom. Pagkapasok ko palang ay ang gulo na ng room at nagkalat naman ang mga gunggong, kalat-kalat ang mga upuan at may kanya-kanyang mundo, ganyan sila o tama bang sabihin kong ganyan kami parati.

Dumiretso nalang ako sa upuan ko at tahimik na naupo. Lunes, Masyadong boring ang araw na'to para saamin at karamihan saamin ay walang interes, except nalang siguro kay Kahlil. Matalino eh.

"Ahhh! Sh*t, Ahhh! Ohhh!"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko atsaka tumingin sa likod, nagkumpulan ang mga gunggong sa likod at nanonood ng porn, ang lakas ng sound at rinig na rinig pa ang ungol.

"Hoy Cholo!" bulyaw ko.

"Bakit?" bata niyang tanong habang may hawak na lollipop.

'Bata talaga!'

"Umalis ka dyan, dito ka!" tinuro ko yung katabi kong upuan.

"Ayaw! Nanonood kami ihhh!"

"Anak ng! Hindi pambata yan."

"Hindi na ako bata!" pagpumilit niya at mas nakisiksik sa mga gunggong, hindi man lang bawalan, halos maglaway naman ang mga gago.

"Puta! Hinaan niyo nga, ang lakas!" bulyaw naman ni Zero na prenteng nakaupo sa likod katabi si Raven na nakadukdok sa upuan niya.

"Huwag! Mas masaya kapag may umuungol!" angal ni Zico.

"Oo nga! Nakaka-turn on!" sang-ayon naman ni Blake.

"Nakakagana!"

Mga peste! Wala talagang alam 'tong mga 'to kundi kalokohan, hindi ko nalang sila pinansin at tumingin sa kawalan. Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Daniela at nakabusangot ang mukhang dumiretso sa upuan.

Sinenyasan ko naman ang mga ungas na itigil na ang pinapanood nilang porn dahil baka kung ano pang isipin ni Daniela.

'Ang lakas pamandin ng sound'

Pinagmasdan ko naman ang kabuuan niya at masasabi kong maayos kung hindi lang siya nakabusangot.

'Anyare dito?'

Ilang beses ko'na siyang nakitang nakabusangot wearing her fierce and sassy aura, sa unang tingin ay mukha talaga siyang mataray lalo na't kapag nakataas ang kilay, pero sabi nga nila na don't judge a book by it's cover at yun nga ang first impression namin sakanya ng mapunta siya dito sa Section E.

All i thought na hindi siya magtatagal dito dahil ilag saamin ang lahat at natatakot pero iba siya, hindi man lang siya natinag sa mga kagaguhang ginawa namin sakanya at hindi talaga siya umalis, magi-isang buwan na siya dito sa Section E at medyo nasanay narin kami sa presensya niya.

Aaminin kong hindi maganda ang unang araw niya sa mga kamay namin dahil sa mga kalokohan namin, ang buong akala din namin ay siya yung tipong damsel in distress at mahina pero iba talaga siya, imbis na matakot saamin ay nakayanan niya pa kaming kalabanin, ni hindi man lang namin siya kinakitaan ng takot lalo na kay Raven.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon