35 /School Festival 5/

16.4K 684 171
                                    


Daniela's POV

"Kamusta na'yang mga mukha niyo?"

Tinitigan ko sila Kuya habang nakasimangot at hirap na hirap kumain dahil sa panga nilang napuruhan. Kahit gusto kong matawa sa itsura nilang dalawa ay mas pinili ko nalang manahimik.

Baka ako pa ang mapagbuntunan nila ng galit nila pagnagkataon, OA pamandin sila. Hehehe. Chos!

"Tssk! Kung marunong ka kasing magpaalam saamin, edi sana hindi na kami umabot sa ganito!" bulyaw saakin ni Kuya Yoseph at tumalsik pa sa bibig niya yung kinakain niya.

'Kadiri naman 'to!'

"Oo nga! Pwede Daniela, huwag kang nakikisama sa mga classmates mo kung saan-saan?" asik naman ni Kuya Joseph at agad din na napahawak sa panga at dumaing sa sakit.

"Hmm bakit naman? Mababait naman sila, alam ko yun." sagot ko at buong nilagok ang kape ko.

"Nasasabi mo lang yan dahil yan ang nakikita mo sakanila, huwag kang umasa!" sagot naman ni Kuya Yoseph.

"Huh? Huwag umasa?" i ask confusely.

"OO AT MASASAKTAN KA LANG!"

Sabay nila akong binulyawan kaya wala sa oras ko silang nasapok.

"Shit! Araaayy!"

Sapo-sapo nila pareho yung ulo nilang sinapok ko. Pasalamat nga sila at hindi ko'pa binigay ang buong lakas ko dyan. Charot lang!

"Masasaktan? Bakit, bakit naman ako masasaktan?" kunot-noo kong tanong at sandaling natigilan sila Kuya at nagkatinginan.

"Basta! Lumayo ka sakanila at as long as huwag ka masyadong nakikipag-usap sakanila, pati na rin doon sa batang lagi mong kasama." asik ni Kuya Joseph kahit nahihirapan siya sa pagsasalita.

"Si Cholo? Wait what? I don't get your point?" naguguluhan ko talagang asik.

"Hindi mo kailangang ma-gets ang punto namin, basta ang gawin mo ay dumistansya ka sakanila. Tapos!" pagtatapos ni Kuya Yoseph.

Hindi ko maintindihan ang gusto nilang sabihin. Masyado nilang pinapaikot ang mga sinasabi nila. Anong ibig sabihin nila na masasaktan lang ako at huwag akong umasa?

'Is that a pleased or a threat?'

Napailing nalang ako sa naisip ko at sinubukang isawalang bahala ang sinabi nila, nagpatuloy kami sa pagkain atsaka kami pumasok. Puro pasa tuloy ang mukha nila Kuya.

Hindi naman magkandamayaw ang mga babae at alalang-alala kung anong nangyari sa mukha nila. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso nasa room namin.

This is the second day of our school festival. Tatlong araw gaganapin 'tong event na'to at bukas na matatapos.

Nadatnan ko silang nag-aayos ng mga gamit sa room atsaka sila napatingin saakin pero bumalik din sa sakanya-kanya nilang ginagawa.

Nginitian ko si Marcus ng magkasalubong ang tingin namin, ganon si Zero na sinenyasan pa ako kung okay lang ba ako, at si Raven na bored na pumasok sa room at prenteng naupo.

Agad kong napansin yung panyo sa ulo niya. Wait! Ginawa niyang bandana yung binigay kong panyo.

Aba! Magaling din pala ang isang 'to ehh. Binigay ko yun sakanya para sa putok niyang labi at hindi para gawing bandana.

Kahit gusto ko siyang barahin ay hindi ko ginawa dahil iilan lang ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari kahapon at kung bakit nagkaganyan ang mukha niya.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon