14 /Sexy Lips/

20.7K 864 179
                                    


Daniela's POV

Maganda at maayos ang kinalabasan ng report namin, tuwang-tuwa si Sir Alvin dahil sa maayos na pagkaka-deliver namin, at iisa lang ang ibig sabihin non.

'Hindi na ako utusan'

Tapos na ang report, tapos na din ang pagiging utusan ko. Ewan ko lang kung hindi pa ako tigilan ng mga depungal na yan, Friday ngayon at mabilis namang nagsaya ang mga depungal, lalo na't half day kami ngayon, last subject namin ang philosophy sa umaga at wala na ng hapon.

'Yehey!'

"Ano ba'to Cholo, nag-aaral ka pa ba?" tanong ko dahil puro pagkain ang laman ng bag niya, ni notebook at ballpen wala.

'Tibay!'

"Nag-aaral pa rin naman, pero mas masarap ang kumain kasi food is life!" sabi niya at nilabas lahat ng pagkain sa bag niya.

Mabilis pa sa alas-quatro'ng naubos ang pagkain niya dahil mabibilis ang kamay ng mga depungal, yung kaninang masayang mukha ni Cholo ay napalitan ng lungkot at anumang oras ay parang iiyak na.

'Luh!'

"Ibalik niyo mga pagkain ko!" sigaw niya at nakipag-agawan sa mga depungal pero itinaas lang nila ang kamay nila para hindi niya maabot.

'Maliit kasi...'

"Hoy ibigay niyo nga yan!" sigaw ko sakanila dahil parang naiiyak na talaga si Cholo.

"Sorry, may laway na." sabi ni Zico habang subo-subo yung peppero at dinila-dinilaan.

"Ay dugyot."

Nakita ko naman si Marcus at Zero na may hawak na tinapay at chocolate na dapat ay kay Cholo, si Kahlil naman ay pasimpleng kumukuha.

"Ate Danny, kinuha nila yung mga pagkain ko!" atungal niya, imbis na mainis ako sa mga depungal ay nakyutan pa ako sa itsura ni Cholo.

'Sobrang cute niya kasi!'

"Hayaan muna, ililibre nalang kita." sabi ko at pinisil-pisil yung pisngi niya.

"Yey! Sabi mo yan ah, wala ng bawian." paniniguro pa niya.

'Ikaw na nga 'tong ililibre, ikaw pa 'tong demanding'

"Oo nga."

Natawa naman siya at mas lalong nawala yung singkit niyang mata, urgh bakit ang cute ng batang 'to. Ginulo ko nalang yung buhok niya at nag-ayos. Yung mga depungal naman walang humpay sa pag-inggit ng pagkain na akala mo naman sakanila.

Nahagip ng mata ko si Raven na nakaupo sa likod at may subo-subong lollipop at tila nagpapa-inggit dahil may pakagat-kagat labi pa siyang nalalaman.

'Sexy Lips?'

"Hoy Danny!"

"Shit sexy lips!" sigaw ko dahil sa lapastangang nanggulat saakin.

"Huh? Sexy lips?" takang tanong ni Blake.

'Shit, naisigaw ko pala!'

"Wala! Bakit ka nanggugulat?" taas kilay kong tanong.

"Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka naman lumilingon." sabi niya at napaiwas ako ng tingin.

"Bakit ano bang kailangan mo?" tanong ko habang inaayos yung bag ko.

"Ibabalik ko'na 'tong ballpen mo." abot niya saakin ng hiniram niyang ballpen.

"Sige."

"Ikaw Danny, pinagnanasaan mo pala si Raven ah." sabi niya at sinundot ako sa tagiliran.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon