FIRST CHAPTER
" Shut-in NEET "
Daniel PoV .
Ano nga bang magandang bagay pa ang inaasahan ko sa hinaharap sa isang mundo na nilamon na ng magulong sistema , sari saring issue at pare parehong problemang sumasalubong sa mga tao sa araw araw naming mga buhay. Napakaingay , napakagulo at sinabayan pa ng mga toxic na pag uugali ng mga tao .
Minsan iniisip ko kung gaano ba talaga kaganda mabuhay sa mundong ito para tiisin natin ? Dahil kung ibabase ko sa buhay ng ibang tao ay gigising sila sa umaga para pumasok , maiistress, uuwi at matutulog ganun kadalasan ang karaniwang gawain ng ilang tao sa buhay. Kung iisipin ginugol nila ang higit sampung taon nilang buhay sa pag aaral para guminhawa ang buhay pero sa huli ay nauwi sila sa boring na pamumuhay .
" hayss ... "
Mapapabuntong hininga ka na lang talaga pag naiisip mong nabubuhay ka sa ganitong klaseng mundo . Ang ibig kong sabihin ay napaka boring nito at walang kahulugan at kahit ayaw mo ay wala ka namang magagawa kundi magtiis at sumabay na lang sa agos ng buhay hangang sa tumanda ka at malagutan ng hininga .
Ako nga pala si Daniel Muntingbato , 25 yrs old at isang NEET. Sa makatuwid isa akong tambay na walang ginagawa sa buhay kundi maglibang at tila hinihintay na lang na tumanda hangang sa magunaw ang mundo na hindi ko naman alam kung kelan mangyayari . Ang sama pakingan pero siguro ganun katindi ang pag kasawa ko sa buhay .
Ang isa sa pinagkakalibangan ko at ang nag iisang " Will to Live " ko ay ang panunuod ng mga Anime at pagbabasa ng manga ng japan .
Tama, Pag sinuot ko na ang makasalanang lubid na nakatago sa ilalim ng kama ko at tuluyang namatay ay hindi ko na mapapanuod ang mga malulupit na Anime at mababasa ang mga manga na sinusubaybayan ko . Sa tingin ko ay sapat na yung dahilan para madugtungan ang buhay ko . Kung iisipin ay ang Anime ang nagiging takbuhan ko sa kalungkutan ko at nagiging tagapagligtas ko.
Isa akong Anime fan pero hindi gaya ng mga tipikal na Otaku eh hindi ako die hard fan at hindi rin ako yung malakas na loob na pumupunta sa mga convention para lang makisabay as in silent fan lang ako ini-enjoy ang pagpapantasya sa kanila . Para saakin ay libangan ko ang pagiging anime fanatik ko at ito ang nag iisang paraan ko upang takasan ang masalimuot na realidad .
~
Sa Pagbangon ko sa aking kama ay dumeretso na ako sa kusina para maghanda ng makakain ng mga kasama kong papasok at pagtapos nito ay dating gawi na ako . Isa akong house boy na nag aasikaso sa kanila then pag ok na ang pagluluto, paglalaba at paglilinis ay mauupo na ako sa harap ng aking Pc upang manuod at mag update sa mga anime, ganun ka simple at kadali ang buhay ko .
" Boring pero komportable "
Pero bakit nga ba ako bumagsak sa ganitong buhay kahit na hindi naman ako tulad ng ibang bata na nabully para iwasan ang pakikisalamuha sa tao . Ewan , hindi ako ang tipong galit sa tao at sa totoo lang nakikipag kaibigan din ako kahit introvert ako pero mas pinili ko na lang mag isa at magkulong sa kwartong ito kasama ng mga Anime at Games ko siguro dahil mas komportable akong nag iisa .
Naging Anti Social na ako pero ano pa bang magagawa ko gayung nandito na ako sa sitwasyong ito at huli na para bumalik pa ako . Hindi ko pinagsisisihan na mas piliin na laruin ang mga games ko kesa sumama sa mga kaibigan ko para makipagbonding sa labas. Hindi sa ayaw ko silang kasama kundi dahil mas komportable akong mag isa , ganun kasimple . Tsk, isang pagdadahilan na pilit kong ipinauunawa sa sarili ko .
Sinarado ko na ang mga bintana at ilaw habang hinihintay ang pagbubukas ng computer ko . Dito ay naupo na ako sa malambot na upuan ko at nagsimula ng gumalaw ang mga daliri ko sa keyboard para mag browse sa internet .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
خيال (فانتازيا)ISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...