Kabanata 1 - Your name

197 6 0
                                    

Kabanata 1

"Bakit mo ito pinakielaman?!" inis na sabi ko kay Ashleigh. Umiyak agad ang bata. Agad agad naman nagmamadali umakyat si Mama.

"Mama," at takbo nito kay Mama. "Sinigawan niya ako." sabay turo niya saakin. Aba! Marunong na magsinungaling. Palibhasa anak sa ibang lalaki itong si Ashleigh. Hindi ko nga alam kay Papa kung bakit tinanggap niya pa ito e.

"Hindi ko siya sinigawan. Pinagsabihan ko lang-,"

"Tumahimik ka. Alam mong bata itong si Ashleigh,"

"Tignan mo ginawa niya dito!" pinakita ko iyong drawing ko na ipapasa ko ngayong araw.

"Edi gumawa ka nalang ng panibago!" at sabay labas sa kwarto ko.

Gumawa ng panibago? Hindi niya ba alam kung gaano kahirap gumawa nito? Dalawang araw ko 'tong pinagpuyatan!

Inis na inis ako noong mga araw na iyon. Ngunit kailangan kong mag pasensya. Ate ako e. Noong lumaki laki na si Ashleigh, lumaki na rin ang ulo. Pinalaki siya nila Mama na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ultimo ng akin kinukuha nila. Mapunan lang ang kagustuhan ng bunso.

Nung 2nd year College at si Ashleigh 1st year. Parehas wala si Mama at Papa. Kaya ako ang nag aasikaso sa bahay.

"Pakikuha nga ng tubig!" utos ng kapatid ko. Kumunot ang noo ko nun. Kung makautos siya parang kasambahay ako rito. Ngunit tumayo padin ako upang kumuha ng tubig.

"Be sure. Kapag mag uutos ka iyong magalang naman." pabagsak kong binigay sa kanya ang baso ng tubig. Dahil kunting kunti nalang talaga ang pasensya ko.

Nag angat siya ng tingin. Nagtataas ng kilay.

"Bakit kita gagalangin?" halos matawa ako sa tanong niya.

"Ate mo ko-,"

"Hindi kita ate. Sampid kalang rito-," tila nasabi niya ang magic word at awtomatikong lumipad ang sampal ko sa pisnge niya. Napaiyak siya nun. But sorry. Hindi ako nag sisi ng ginawa ko iyon.

"Sino sating dalawa ang anak sa ibang lalaki? Ako ba?" tila isa kong bulkan na sumabog. "I'm trying to be nice to you! Because I'm your ate! Pero iyang asal mo. Lalong lalo ang pagtawag sa akin ng Sampid. Hindi na maganda," tumulo isa isa ang luha ko. "Kahit anak ka sa ibang lalaki. KAHIT KAILAN HINDI KITA TINURING NA SAMPID-," tumayo siya bigla nun.

"Isusumbong kita kila Mama at papa," sabay kuha niya ng bag niya at lumabas ng bahay na umiiyak.

Indeed. Nag sumbong nga siya. Napagalitan ako noon. Sinampal ako ni Mama. Binawasan ni Papa ang allowance ko. Kasi ang sumbong ng kapatid ko sakanila. Sinabihan ko daw siya ng sampid. Anak sa ibang lalaki.

Nagkulong ako sa kwarto nung gabing iyon. Kinuha ko iyong sketch pad ko at nag drawing habang umiiyak. Sa pag dodrawing ko lang na eexpress ang lahat ng mga salitang hindi ko mapahayag.

At nang dumating ako sa 3rd year college. Ganun parin. Spoiled brat parin ang kapatid ko. Pag tinatawag niya ako. Wala man lang ate. Hindi niya ako tinuturing na kapatid.

"Wow. Anak uno ka sa arts? Galing naman ng ashleigh namin." ito na naman ang eksena kapag releasing ng cards. "Mana ka talaga kay Papa pagdating sa arts."

"Paano magmamana saiyo 'yan? E hindi mo naman anak iyan," gustong gusto ko iyon isatinig. Ayoko lang mapagalitan.

"O Saii asan iyong iyo?" tanong ni Mama. Kinuha ko sa bag. Inihagis ko iyon sa lamesang nasa harapan nila sabay deretso ko sa kwarto.

"Saii sandali." tawag ni Papa. "Halika rito," bumaba ako. Inaakala ko pang aayain nila ako ng maliit na selebrasyon nila sa uno sa arts ni Ashleigh ngunit nagkamali ako. "Ano to huh? Bakit may 82 ka?" pumikit  ako ng mariin tanong niya.

"82? Hindi naman bagsak iyon huh? Kumpara naman sa 79 ni Ashleigh-," hindi ko na natapos ang pag sasalita ko ng sinampal ako ni Mama.

"Sumusobra ka na-,"

"Ako pa?! Ako pa ang sumusobra?," ang dami ko gustong isiwalat. Kaso pagod na ko. Nakakapagod magsalita kung hindi ka rin naman pakikinggan. Kaya sa halip na dugtungan ko pa iyon. Umakyat nalang ako sa itaas. Kinuha ko iyong sketch pad ko sa bag at nagdrawing.

Pagkatapos nun. Another session ng kadramahan ko sa gabi. Ang pag-iyak. Umiiyak ako habang inaalala ang mga masasakit na salita na natanggap ko.

Kaya kinabukasan. Puyat ako. Ngunit pumasok parin ako sa school pero hindi interesadong mag aral ngayong araw. Papasok lang ako para dito nalang matulong.

"Ms. Saii are you feeling well?" tanong ni Sir.

"No sir. Can I go to the clinic?" i asked. Ito na ang pagkakataon kong makatulog ng mahimbing.

"Okay you may," at walang buhay akong naglakad hila hila ng bag ko. 'Di kalaunan isinabit ko rin iyon sa balikat ko.

Walang direksyon ang nilalakaran ko. Nalagpasan ko na pala ang clinic. Nag angat ako ng tingin sa taas ng building. Rooftop! I smirk.

Dali dali akong umakyat sa pinakamataas sa mga buildings. Ang mga rooftops. Tila may sariling control ang mga paa ko at dinala nila ako sa rooftop. Hindi ko nga napansin 5th floor ang rooftop. Kung normal ang pakiramdam ko. Napagod na ako nito.

Tila parang nakadrugs ako ng unti unti akong lumalapit sa dulo nito. Dumungaw ako sa baba. Ang taas. Paano kaya kung talunin ko ito mula rito? Hmm. Napangiti ako.

"Kung ako sayo hindi ko iyan gagawin." napakurap kurap ako sa narinig kong boritong tono. Tila bumalik ang wisyo ko. At napaatras ako ng makita ko ang ibaba.

Napalingon ako. At may nakita akong lalaking. Nakangiti siya habang nakataas ang kilay sa akin. Matangkad siya. Hanggang balikat niya lang ako.

"S-Sino ka?" tanong ko.

"Oh. A beautiful girl didn't know who I am?" kumalabog ang dibdib ko ng magsalita siya. Ang ganda ng accent niya. Ang lalim ng boses niya. "Hmm?" napakurap kurap ako at dumeretso palabas. Ngunit humarang siya. "Wait. We're not done talking,"

"I'm not interested!" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nagkatinginan kami. Nakaka intimidate ang titig niya kaya nag iwas agad ako ng tingin. "Please padaanin mo ko-,"

"What's your name?" biglang tanong niya. Napakagat labi ako.

"Saii," mabilis kong sagot ko sabay hawi ng kamay niya upang makadaan ako at malalabas ako.

Nung nasa hagdan na ako sumigaw siya. "My name is Vhong!" hindi ko nalang pinansin.

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon