Kabanata 6
Hindi maganda naging epekto sa akin nun. Umuwi ako na iniisip ang mga nangyari kani kanina lang. I used to say "I don't like you" sa mga suitors ko para tigilan na nila ako kaya hanggang ngayon wala pa ako nagiging boyfriend.
Wala naman tumatagal sa mga lalaki kapag sinabing ayaw ng babae titigil na agad sila. Kaya paano sila magugustuhan? Kung susuko na agad. Sa pananaw ko, kapag nag sabi ang lalaki ng "I like you" at "I love you" dapat panindigan hanggang dulo.
Kinagabihan, dumarami ang mga nagtetext sa akin. Nirereplyan ko ngunit mga isa dalawang beses lang. Ang dami kasi nila.
Bumaba ako upang mag tungo sa kusina. Dala dala ko ang cellphone ko. Sunod sunod iyon nag be-beep nang makasalubong ko si Ashleigh. Napatingin siya roon kaya minapula ko ang cellphone ko para mai-silent. Palabas na siya ng kusina at ako papasok.
"Bakit magkasama kayo kanina ni Vhong sa library?" tanong niya
"Ah. Sinimulan namin iyong thesis," tanging sagot ko. Nilapag ko ang cellphone ko para makakuha ng gatas sa ref. Pagkakuha ko nakita ko ang paninitig niya sa cellphone ko. Nakabukas iyon at pinapakita ang mga unread messages ko. Kinuha ko iyon. Nag angat siya ng tingin.
"I already introduced myself to him. 'Wag ka eepal ah," mataray nitong nilisan ang kusina. Kumunot namn ang noo ko. Anong ibig sabihin niya? I forgot. She attracted to Vhong.
Nag flash bigla iyong pag amin ni Vhong sa akin.
"I like you,"
Totoo kaya iyon?
Napatunayan kong hindi iyon totoo ng makita ko siyang nakikipaglandiin sa school president. Nagtagpo pa ang aming mga mata pero umiwas ako at nilagpasan nalamang sila.
Matapos niya mag sabi ng "i like you" sa akin tapos makikita ko siyang lalandi sa iba? Akala ko totoo na. Malapit na ko maniwala e pero kasinungalingan lang pala. Isa lang yun sa mga paraan niya para makuha ang isang babae. Naghanap siya ng iba kasi hindi umubra sa akin.
Paano niya nagagawang mahulog sakanya ang mga babae sa ganong kadaling panahon?
Pumasok na ako sa room. Wala pa siya roon. Bakante pa ang upuan niya. Naupo na ako dahil padating na ang aming prof. Pagkapasok na pagkapasok ni Ma'am dumating si Vhong na hinihingal galing sa pagtakbo niya.
"Sorry Ma'am I'm late." tumango ang prof namin. Naglakad siya papunta sa upuan nagtama ang mga mata namin, nakita ko kung gaano kapula ang labi niya. Nag iwas siya ng tingin.
"Miss Andales," tawag sa akin. "And Mr. Reeztucker," napatingin ako kay Vhong na nakatingin lang sa prof namin. "You'll be the first presenter. You need to finished your thesis by next week."
"Okay Ma'am," sagot ni Vhong na malalim at malamig na tono.
"Ang weird ni Vhong ah. May nangyari ba?" bulong na tanong ng seatmate ko.
"E-Ewan ko," tanging sagot ko.
Matapos ng subject namin kay Ma'am. Hinihintay namin ang sunod na subject, 15 minutes na kasi itong late.
"Hay. Dadating pa ba iyong kalbong iyon?" isa sa mga kaklase ko na nag sabi. Iyong kalbong tinutukoy niya iyong prof namin.
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...