Kabanata 31 - Boss

55 4 0
                                    

Kabanata 31

This is my first day of work as a office clerk. Kakatapos lang naming ihatid sa school ang anak ko.

Itong lang umaga,nalaman kong 3 years ago pa nakalaya si Vhong. Napatigil ako, matagal tagal rin pala siya sa kulungan at ngayon nasa abroad raw siya ngunit ang site na iyon ay 2 years ago pa. Ito ang kauna unahang nakapag-browse ako about sakanya. I just want to be prepared kung sakaling magtanong ang anak ko ay may masasagot akong impormasyon tungkol sa ama niya.

Engineer Reeztucker

Sikat siyang engineer sa bansa. Kilalang kilala siya. Nung nakaraan lang daw dumalo siya sa isang Charity Auction rito sa... MAKATI?! Ibigsabihin narito na siya sa Pilipinas? Napakurapkurap ako nun habang nag ba-browse. Ang pagkakaalam ko ito 'yung pinaghandaan ni Ashleigh na event dahil kasali ang painting niya sa pag-o-auction. Napabuntong hininga ako ng makitang may picture silang dalawa ni Ashleigh rito at pinagtismisan pang si Ashleigh raw umano ang date ni Vhong sa Auction event na iyon.

Pumasok na rin sa isip ko na tanungin si Ashleigh about kay Vhong kaso lang nahiya ako baka isipin niya aagawin ko si Vhong sakanya. Some weeks had passed I tried to find him. I browsed some news about him but I found out that he already went back abroad for some projects.

"Mama do you know..." kausap saakin ng anak ko habang may hawak siyang mga pangkulay at ako naman nag luluto ng dinner namin. Kakasundo ko lang sakanya galing school, maaga out ko ngayong weekends pero kapag weekdays iniwan ko muna siya kila Mama at sinusundo nalang pag out ko na.

"What is it?" tanong ko.

"My teacher asked about the name of my father. Sinabi ko name niya..." sumimangot na siya at tila nalulungkot. "They just laugh," napatigil ako sa pag luluto. Pinatay ko ang kalan bago nilapitan ang anak. Nag angat siya ng tingin saakin na may unting luha sa mata. He's about to cry! Omygod!
"They said that Vhong Reeztucker was a famous engineer at wala pang asawa't anak. I really want to meet him Mama! So that I can prove to them that he already have a son!" he ranted at me. He's about to cry pero pinilit niyang pigilan iyon. After he said that I hugged him.

"I'll tried my best to contact him okay? For now, can you wait?" tumango siya saakin. Nakabaon ang mukha niya sa leeg ko dahil nakayakap siya mabilis na lumandas ang luha at mabilis ko rin iyon pinunas at baka makita pa ng anak ko.

Pagsusumikapan ko makausap siya pero kapag narito na siya sa pilipinas. Ang hirap naman nun hindi ko naman siya kayang sundan sa ibang bansa e. Siguro ibibigay ko nalang sa tadhana ang mangyayari kung kaloob niya ba talaga na makausap at magkita sila ng anak ko.

"Uy Saii kumilos ka na riyan," saway saakin ni Mari. Nagtatrabaho naman ako rito ah! Ano bang meron?

"Huh? Bakit?" tumayo ako at nagulat ng makita ang mga office mates kong aligaga sa lahat. "Ano bang meron?"

"Darating ang vice president ng kompanya. Kadarating niya lang galing Canada. Ganto talaga nangyayari kapag dumarating siya. Strikto kasi iyon e. Ang advice ko lang sayo yumuko ka kapag narito na siya at ng hindi ka niya mapansin dahil bago ka palang. Kapag may nakita kasing mali iyon tanggal ka na agad!" paalala niya saakin na tinanguan ko lang.

"Alam niya bang walang perfect sa mundo? Kung tatangalin niya ang mga empleyado sa kunting pagkakamali baka naman maubusan ng empleyado ang kompanyang ito-," hinampas ako sa braso ni Mari.

"Tumigil ka ah. 'Wag ka mag salita ng ganyan! Hay naku kabago bago mo lang rito at baka matanggal na ka na agad."

"Sorry na joke lang," nag peace sign pa ako.

"Osige na sige na. Maghanda ka na riyan at darating na ang striktong boss," paupo na ako ng bumalik siyang muli. "Ito pala. Pinapa check pala ng superior natin sayo. Nakalimutan ko. Lumapit pala ako sayo para rito," sabay abot niya sakin ng folder.

Nag ayos muna ako ng mga gamit ko sa desk ko para naman mukhang abala rin ako katulad nila. Nang hindi ko sinasadya natabig ko at nalaglag iyong folder na kabibigay lang saakin. Nabuklat iyon kaya pinulot ko agad at baka madumihan. Kumurap ako sa una kong nakita sa front page. Napaawang ang bibig ko sa nakita ko!

Engr. Vhong Eian Reeztucker (Vice President)

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa nababasa ko ngayon! Hindi ako makapaniwala, siya ba talaga ang vice president ng kompanyang ito?

"Good morning Engineer Reeztucker,"

"Good morning Vice president," napaangat ako ng tingin. Nakitang kong nakayuko na ang lahat at handa na para sa darating na tao.

Nabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko. Wala akong marinig kundi ang kabog nito, hindi ko na naririnig kung sino ang tumatawag saakin, until a saw a man with a black suit wearing his thick eye glasses that make him as a perfect boss! He scanned our placed.

"Saii don't looked at him! Yumuko kalang!" ngunit hindi ko iyon sinunod at hanggang magtama ang mga mata namin, napaawang pa lalo ng labi ko at parang gusto kong umiyak. Hindi nag iba ang ekspresyon niya ganun parin, ganun parin ang mga mala uwak niyang titig. Nung oras na nagkatitigan kami tumigil siya. Nung oras na natitigan ko siya bumalik ang mga alaala ng nakaraan...

"Minahal kita!"

"Totoo mahal kita. Maniwala ka..."

"I missed you so bad..."

"MAHAL DIN KITA. SOBRA!"

"I'll not let you to run again after you gave me a heart attack..."

"Always remember okay? That I've always love you. I love you very much no matter what...,"

Ilang minuto rin kaming nag titigan at nagpasya na siyang umalis muli upang mag tungo siguro sa opisina niya. Napaupo nalang ako habang nag pupunas ng mga luha ng makaramdam ako ng hampas at alam kong galing kay Mari iyon.

"Sabi kong yumuko ka at huwag siyang tignan hindi ba?" she scolded me. "Tignan mo napansin ka niya agad, ang sama pa ng titig saiyo-," napatigil siya ng makita nagpupunas pa ako ng mga luha. "Bakit ka umiiyak?"

"Huh? Ako? Hindi. Nagpupunas lang ako ng pawis," sagot ko.

"Ah ganun ba? Osige babalik na ako ng desk ko." tumango ako at umalis na siya.

Si Mari ang kauna unahan kong naging kakilala rito. Nasa mid 40s na siya kaya ganun siya ka-stress saakin na sundin ang mga payo niya sa di umano 'Strict Boss' namin.

"Ms. Saii pinapatawag ka." napaangat ako ng tingin sa lumapit na officemate ko. "Pinapatawag ka ng vice president," biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ang huling sinabi niya.

"H-Huh? A-Ako?" sabay turo ko sa sarili ko. Nahagip ko ang takot at tila naninising tingin ni Mari saakin. "Bakit raw?"

"I don't know nautusan lang ako ng secretary niyang tawagin ka. Hm... Kakausapin ka yata," napaawang na ang labi ko roon ng pagkaalis niya sa harap ko. Bakit gusto niya ako makausap?

"Sabi ko naman kasi sayo makinig ka saakin!" with matching hampas pa iyon saakin. "Kung tatanggalin ka niya kumbinsihin mo siya magbabago at gagalangin mo na siya sa susunod," as if naman na hindi ako magalang.

Hindi na ako nagsalita tumayo na ako. Inisip ko nalang na sana tungkol sa trabaho dahil kung isisingit ko ang patungkol kay Ian parang hindi naman tama dahil boss ko siya at empleyado niya lamang ako...

____________________________________

AN//: Vote this chapter if you like!

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon